MANILA, Philippines – Nakakumpiska ang mga awtoridad ng aabot sa P19.55 milyong halaga ng illegal na droga sa operasyon mula Hunyo 2 hanggang 13, sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito ay resulta ng 334 anti-drug operations, na nakapag-aresto ng 452 mga suspek.
Sa nasabat na illegal na droga, P5.55 milyon ang nakumpiska ng Southern Police District, na binubuo ng Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, Pasay at Taguig, maging ang munisipalidad ng Pateros.
Sinundan ito ng P5.24 milyong halaga ng illegal na droga na nasamsam ng Manila Police District.
Samantala, ang Eastern Police District — na binubuo ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan ay nakakumpiska ng P4.26 milyon.
Habang nasa P2.87 milyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng Northern Police District, na binubuo ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Nakakumpiska naman ang Quezon City Police District ng P1.63-million halaga ng illegal na droga. RNT/JGC