Home NATIONWIDE NCRPO: Walang malaking insidente sa “Trillion Peso March” sa EDSA

NCRPO: Walang malaking insidente sa “Trillion Peso March” sa EDSA

176
0

MANILA, Philippines – Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), walang malalaking insidente o banta sa seguridad sa “Trillion Peso March” na ginanap kasabay ng 40th EDSA People Power anniversary.

Sinabi ni Police Maj. Hazel Asilo na higit 13,000 pulis ang naka-deploy sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, at natugunan na ang mga minor traffic concerns. Humigit-kumulang 2,000 katao ang dumalo sa EDSA rites, at nanatiling kontrolado ang crowd.

Pinayuhan ni Asilo ang publiko na sumunod sa guidelines at makipagtulungan sa mga awtoridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here