MANILA, Philippines – Yumanig ang isang magnitude 5.2 na lindol sa Hinoba-an, Negros Occidental nitong Martes ng hapon, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sinabi ng PHIVOLCS na ang tectonic na lindol, na naganap alas-3:37 ng hapon, ay tumama sa lalim na 18 kilometro.
Natunton ang sentro ng lindol mga dalawang kilometro sa hilagang-silangan ng bayan ng Hinoba-an.
Intensity III ang naiulat sa San Jose de Buenavista, Antique.
Posibleng magkaroon ng aftershocks, ngunit walang inaasahang pinsala, ayon sa PHIVOLCS. RNT