Home ENTERTAINMENT Netizens, nagkagulo, nag-react sa pagpunas ni Kathryn sa labi ni Mayor!

Netizens, nagkagulo, nag-react sa pagpunas ni Kathryn sa labi ni Mayor!

217
0

Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay pinagpipiyestahan ng mga tsismosang kapitbahay ang kumalat na video ni Kathryn Bernardo kasama ang rumored dyowa niyang si Mark Alcala.

Seen kasi silang nagliliwaliw sa isang mall sa Kamaynilaan.

Ang siste, nakunan pa ng kamera na pinupunasan ng aktres ang nasabing alkalde ng Lucena City.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga katkatera at sawsawera.

Ito ang ilang hirit ng kibitzers.

“At least, hindi na itinatago ni Kathryn si meyor. Lumantad na sila.”

“Para namang wapakels na si Kathryn kaya OKs lang na makita silang magkasama ni MA.”

“In fairness, alaga niya si meyor.”

“The very good girl must be in love.”

“Nakakakilig naman iyong may papunas pa sa labi ni mayor.”

“Mas maingay pa ang lovelife ni Kathryn kesa sa kanyang career.”

“Keber na lang sa bashers.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here