ISANG malaking oportunidad para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund! Magiging available ang mahigit 20,000 affordable housing units sa buong Central Luzon para sa mga nagnanais magkaroon ng sariling bahay sa Pag-IBIG Regional Housing Fair, simula ngayong araw, Marso 18 hanggang 19, sa Pampanga.
Gaganapin sa LausGroup Event Centre sa San Fernando, ang dalawang araw na event na ito ay magtatampok ng mahigit 20,000 affordable housing units mula sa mahigit 40 developers at housing agencies sa buong rehiyon.
Itatampok sa nasabing event ang mga bahay na may buwanang hulog na kasingbaba ng P3,411 sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan.
Mga Detalye ng Event
Ang dalawang araw na aktibidad ay gaganapin sa LausGroup Event Centre sa San Fernando, Pampanga. Ito ay inorganisa ng Pag-IBIG Fund sa pakikipagtulungan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
– Sino makakasama sa event: Mahigit 40 developers at housing agencies ang lalahok.
– Anong makikita: Libo-libong house-and-lot at socialized housing options mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon.
– Serbisyo: Magkakaroon ng on-site assistance para sa mga aplikasyon sa housing loan.
Abot-kayang Halaga at Promo
Ayon kay DHSUD Secretary at Pag-IBIG Fund Board Chairman Jose Ramon P. Aliling, layunin ng fair na ilapit ang pangarap na disente at abot-kayang pabahay sa mga Filipino alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
– Socialized Housing (4PH Program): Buwanang hulog na P3,411 (3% subsidized interest rate). Maaaring mag-qualify ang mga pamilyang may kabuuang kita na P11,443 kada buwan.
– House-and-Lot Packages: May mga unit na nagkakahalaga hanggang P1.8 milyon na iaalok sa promotional interest rate na 4.5%, kung saan ang buwanang hulog ay magsisimula sa P9,120.
– Acquired Assets: Higit 3,000 na mga dating property ng Pag-IBIG ang ibebenta sa mas murang halaga.
Paalala sa mga Dadalo
Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene C. Acosta, handa ang kanilang Lingkod Pag-IBIG team na magbigay ng gabay mula sa inquiry hanggang sa loan application.
Ang fair ay libre at bukas sa publiko simula alas 8:00 ng umaga Pinapayuhan ang mga dadalo na magdala ng mga sumusunod para sa on-site evaluation:
1. Isang (1) Valid ID
2. Proof of Income (tulad ng pinakabagong payslip o Income Tax Return)
Maaari ring mag-pre-register sa pamamagitan ng link na ma- tatagpuan sa mga official social media pages ng Pag-IBIG Fund.






