Manila, Philippines – Nabulabog nga ang social media sa naging banat ni Angel Locsin kay Robin Padilla hinggil sa pananahimik ng aktor noong panahong na-red tag siya.
Dismayado kasi si Angel dahil sa stand ng aktor sa political issues sa bansa lalo na iyong may kinalaman sa China at sa evangelist na si Apollo Quiboloy.
Nanawagan pa siya na sana ay matauhan na ang senador.
Pinaaalahanan din ng aktres ang actor turned politician na ang loyalty nito ay hindi lamang sa iisang tao kundi sa sambayanang Pilipino.
Bilang tugon sa isyu, ibinahagi naman ni Rommel Padilla ang reaksyon ng isang tagapagtanggol ni Binoe sa kanyang Facebook account.
Nilagyan din niya ito ng caption na: Real talk.
Teksto ng post: “Nag ingay c Angel Locsin sa issue ni Robin pero tahimik sya sa baha, nakawan at flood control. Angel ung
pinagtanggol ni Robin enelect ng 32m Vs pansarili mong issue akala ko matalino pangdarna kalang pala talaga.”
Nag-share rin siya ng mga opinyon ng mga tao hinggil sa naging stand ng kapatid sa isyu ng Tsina at sa pagiging komunista umano nito.
Ito ang ilan sa mga posts.
“The complaint about Robin Padilla’s supposed silence on China assumes the US is a benevolent protector. Robin, as a communist, correctly identifies US imperialism as the threat.
Angel Locsin would rather kiss the ring of Washington than admit a nationalist stance. Robin isn’t a traitor. He just reads history.”
“Robin Padilla proves that one can embrace communist or socialist principles without sacrificing Filipino youth to armed struggle. It
is entirely possible to advocate national development, social justice, and economic sovereignty without romanticizing militant
adventurism that repeatedly descends into violence and terror. “
Si Rommel ay kapatid ni Robin at tatay ni Daniel Padilla. Archie Liao