Home HOME BANNER STORY New Philippine Passport Act nilagdaan ni PBBM

New Philippine Passport Act nilagdaan ni PBBM

MANILA, Philippines- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11983, o New Philippine Passport Act, para gawing simple ang proseso ng passport application sa bansa.

“RA 11983 was signed by Marcos on March 11, repealing RA 8239 or the Philippine Passport Act of 1996, aiming to develop a new generation of Philippine passports that are at par with international standards,” ayon kay Communication Secretary Cheloy Garafil.

Sinabi ni Garafil na sa pamamagitan ng bagong passport law, ang application process para sa regular passports ay “readily accessible” lalo na sa ilang indibidwal kabilang na ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at overseas Filipino workers (OFWs).

“The new passport law now authorizes DFA (Department of Foreign Affairs) to provide offsite and mobile passport services in areas outside of the consular offices and foreign service posts,” ang pahayag pa rin ni Garafil.

“The new law mandates the DFA to accommodate the applications of regular passports by senior citizens, PWDs, pregnant women, minors aged 7 years and below, solo parents, OFWs, and individuals with emergency and exceptional cases,” dagdag na wika ng opisyal.

Sa ilalim naman ng RA 11983, binigyan nito ng mandato ang DFA na magtatag ng isang electronic one-stop shop sa website nito para sa mas mabilis na aplikasyon at pangangalap at pagsusumite ng mga rekisitos.

“Under the new law, incumbent government officials and employees, as well as members of their families, may hold two passports simultaneously,” ayon kay Garafil.

“Regular passports are issued to Filipino citizens who are not eligible or entitled to diplomatic or official passports, including government officials or employees going abroad for pleasure or other personal reasons,” dagdag niya.

Inisa-isa naman RA 11983 ang mga prohibisyon at multa na may kinalaman sa “forgery, withholding, and improper use of passports and other travel documents, as well as the unfair and discriminatory practices committed by DFA officers.”

Tinuran pa ni Garafil na sinumang tao o entity na walang legal authority na magkumpiska, magtago o ipagkait ang anumang pasaporte na ipinalabas ng DFA ay mahaharap sa pagkakakulong na hindi bababa sa 12 taon at magbabayad ng multa na hindi bababa sa P1 million ngunit hindi lalampas sa P2 million, kapag lumabag sa batas.

Winika pa nito na ang passport forgers ay mahaharap sa anim hanggang 15 taong pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P100,000 subalit hindi lalampas sa P250,000.

“For offenses relating to improper passport use and other travel documents, offenders will face 6 to 15 years of imprisonment and a fine of not less than P100,000 but not more than P250,000,” paglalahad ni Garafil.

Ukol naman sa offenses na may kinalaman sa passport issuances, ang violators ay mahaharap sa pagkakabilanggo ng anim hanggang 12 taon at papatawan ng multang hindi bababa sa P100,000  ngunit hindi higit sa P250,000.

Nakabalangkas din sa batas ang parusa para sa “unfair at discriminatory practices” sa passport issuance, mula suspension at dismissal sa serbisyo at maging pagmumulta hanggang P250,000 at anim na taong pagkakabilanggo.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakapaglalabas ang Malakanyang ng kopya ng RA 11983.

Sinabi ni Garafil na ang bagong passport law ay magiging epektibo 15 araw matapos na makompleto ang publikasyon, sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation. Kris Jose

Previous articleElijah at Miles, nagkabalikan?
Next articleProteksyon ng OFWs sa Germany isinulong