Koleksyon ng basura sa Maynila tuloy sa kabila ng malalakas na pag-ulan

0

MANILA — Patuloy ang operasyon ng pagkokolekta ng basura sa Lungsod ng Maynila sa kabila ng ilang araw na walang tigil na malakas na pag-ulan na nagdulot din ng pagbaha at pagkatumba ng mga puno sa ilang lugar. Ayon kay Department of Environment and Public Services (DEPS) Director Kenneth Amurao, nananatiling normal ang operasyon ng solid waste management ng lungsod...

CAMANAVA LGU handa sa epekto ng Habagat sa mga nasasakupan

0

MANILA, Philippines - SINIGURO ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela na nakahanda ang mga ito sa posibleng epekto ng pananalasa ng Southwest Monsoon o Habagat. Ayon kay Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, nakataas ang antas ng pagbabantay ng disaster response team at Alert and Monitoring Stations ng lungsod, kung saan nakatalaga na sa kani-kanilang mga istasyon ang...

Plenary session sa Kamara suspendido sa Habagat

0

MANILA, Philippines - Kinansela ng Kamara ang plenary session nito ngayong Lunes, Agosto 10, 2026 at pinayagan ang mga tauhan na mag-work from home dahil sa masamang panahon dala ng Habagat. Sa abiso, sinabi ni House Secretary General Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil na ipagpapatuloy ang plenary session bukas, Agosto 11. “In view of the heavy rainfall and flooding brought about by...

55% ng mga Pinoy gusto nakabatay sa ebidensya hatol sa impeachment trial ni VP Sara – sarbey

0

MANILA, Philippines - TINATAYANG 55% ng mga Pinoy ang mas gusto na nakabatay sa batas at ebidensya ang magiging hatol ng mga senador sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte bago pa magpasya ng mga senador bilang mga hukom ng impeachment trial, ayon sa pinakabagong non-commissioned survey mula sa OCTA Research. Acquittal o conviction lang ang maaring pagpipilian na...

Barangay tanod patay nang natagpuan sa septic tank

0

ROXAS, Isabela - Sumisigaw ng katarungan habang pinaglalamayan ngayon ang isang barangay tanod ng kanyang pamilya't kamag-anak matapos matagpuan sa loob ng isang konkretong septic tank sa isang farm sa Brgy. San Placido, Roxas, Isabela. Unang napaulat na nawawala ang biktimang si Alfonso Pigao, 40-anyos, isang barangay tanod, at residente ng nabanggit na lugar. Ayon kay PMaj. Christian Caoile, Hepe ng...

Court ops sa ilang lugar ngayong araw sinuspinde ng SC

0

MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Korte Suprema na suspendido ang operasyon ng korte sa ilang lugar sa bansa ngayong Lunes, Agosto 10, 2026 dahil sa scheduled power interruptions at local celebration. Suspendido ang mga sumusunod na operasyon ng korte sa: Judicial Region 2 Lahat ng first- at second-level courts sa Kalinga — scheduled power interruption MCTC ng Solana-Enrile, Cagayan — scheduled power interruption Lahat...

Mga ahensya ng pamahalaan inalerto ni PBBM sa epekto ng Habagat

0

MANILA, Philippines - IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na manatiling nasa 'heightened alert' sa gitna ng epekto ng Habagat. Ito'y bunsod ng pagbaha sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon dulot ng malakas na ulan, araw ng Linggo. "The President is closely monitoring the impact of the Habagat, particularly the situation...

Situation briefing sa epekto ng Habagat ngayong umaga, pangungunahan ni PBBM

0

MANILA, Philippines - NAKA-ANTABAY ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa isasagawang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang. Ang situation briefing ay pangungunahan ng Pangulo sa gitna ng tuloy- tuloy na pagmomonitor ng Chief Executive sa epekto ng pananalasa ng habagat sa maraming lugar sa bansa gaya ng Luzon area. Alas-9:00 ng...

Eastern Samar niyanig ng M-4.9 na lindol

0

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Maydolong, Eastern Samar nitong madaling araw ng Lunes, Agosto 10. Naramdaman ang lindol sa ilang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Northern Samar at Leyte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Tumama ang lindol 1:05 ng madaling araw at may lalim na 34 kilometro. Ang epicenter nito ay naitala dalawang...

P194M jackpot sa Ultra Lotto 6/58 mailap

0

MANILA, Philippines - Walang nanalo sa major lotto games ng PCSO nitong Linggo, Agosto 9, 2026. Ito ay matapos walang makahula ng winning combination na 10-40-11-20-34-09 para sa Ultra Lotto 6/58 prize na P194,312,640.43. Wala ring nakahula ng winning combination na 18-24-32-47-08-40 para sa Superlotto 6/49 prize na P25,059,230.87. RNT/JGC