Ethics complaint posibleng ibasura kung ‘di tatanggap ng sahod si Bato – JV Ejercito
MANILA, Philippines - Kung tutugon sa panawagan na boluntaryong hindi tumanggap ng sahod at allowance si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa sa kanyang mahabang pagliban sa trabaho ay maaari itong maging basehan para ibasura ang ethics complaint na inihain laban sa kanya, ayon kay committee chairman Senator JV Ejercito nitong Miyerkules, Abril 22. Sa kabila nito, iginiit ni Ejercito na...
2 opisyal ng barangay sa Maynila sinuspinde ng anim na buwan
MANILA, Pilipinas — Ipinataw ng Manila City Council ang anim na buwang suspensyon sa dalawang opisyal ng barangay matapos mapatunayang nabigo ang mga ito na protektahan ang isang menor de edad sa kanilang nasasakupan. Sa regular na sesyon nitong Martes, kumilos ang konseho bilang isang quasi-judicial body at napatunayang nagkasala ang dalawang opisyal—na kapwa naglilingkod sa Sampaloc—ng grave misconduct, gross...
Marcoleta: Sabwatan ng gobyerno, oil companies sa pagsipa ng presyo ng langis posible
MANILA, Philippines - Naniniwala si Senador Rodante Marcoleta na mayroong nangyaring pakikisabwatan sa biglaang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas kung hindi ito maipaliwanag ng Department of Energy (DOE). Ito ang pahayag ng senador sa Kapihan sa Manila Bay, nang tanungin kung may sabwatan ang DOE, mga oil companies at national government sa nangyayaring krisis ngayon sa bansa. Giit...
Impeachment hearing nagpapatuloy; AMLC at BIR magpapaliwanag
Manila, Philippines - Kinumpirma ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, chairman ng House Committee on Justice na ang komite ay pumasok na sa tinawag na “territory of forensic truth” sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Z. Duterte. Ito ay dahil sesentro ang komite sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong araw sa mga dokumento ukol sa statement...
Pagdami ng business interests ng mag-asawang Mans Carpio at VP Sara nakita sa SALN
MANILA, Philippines - Tinalakay sa pagdinig ng House Committee on Justice ang pagdami ng business interests ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Manases Carpio, batay sa kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2007 hanggang 2024. Sa pagdinig, tinanong ni Surigao del Norte Rep. Bernadette Barbers ang Office of the Ombudsman kung makukumpirma...
Justice panel sa paglaki ng yaman ni VP Sara pero walang cash declaration sa SALN: Eh ‘di wow!
MANILA, Philippines - Naging sentro ng pagdinig ng House Committee on Justice ang umano’y hindi tugmang datos sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte, matapos mapansin ng mga mambabatas ang patuloy na pagtaas ng kanyang net worth kahit wala siyang dineklarang cash o bank deposits sa loob ng ilang taon. Sa gitna ng...
Agri losses sa Bicol, umakyat sa P4.8M sa kawalan ng ulan
MANILA, Philippines - Umakyat na sa P4.8 milyon ang halaga ng agricultural losses sa Bicol Region dahil sa kawalan ng mga pag-ulan at pagpasok ng tag-init, ayon sa Department of Agriculture (DA). Sinabi ni Lovella Guarin, DA Bicol information officer, na naitala sa automated weather stations ang below-normal rainfall sa buong rehiyon ngayong buwan. Mula Abril 1, nakapagtala ang Albay ng...
2 tiklo sa ikalawang kaso ng ‘gas-and-run’ sa Kyusi
MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang indibidwal matapos takasan ang gasolinahan sa Payatas, Quezon City matapos magpakarga ng halagang P1,500 ng langis. Ayon sa Quezon City Police District, ang sangkot na sasakyan ay isang puting Toyota Vios. Tinukoy ang mga suspek na sina "Tyron" at "Ricky" na naaresto sa kani-kanilang tirahan sa Rodriguez, Rizal, Lunes ng gabi, o ilang oras matapos...
Ivana Alawi pinuri Brilliant Skin sa pagkuha ng PWD bilang empleyado
Pinuri ng aktres at content creator na si Ivana Alawi ang Brilliant Skin Essentials Inc., na pagmamay-ari ng skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, mas kilala bilang “Miss Glenda," dahil sa pagsusulong nito ng inclusivity sa pamamagitan ng pagkuha ng mga persons with disabilities (PWDs) bilang bahagi ng mahigit 1,000 empleyado nito. Ginawa ni Alawi ang pahayag...
PBBM, First Lady dumalo sa Our Lady of Manaoag centennial coronation
MANILA, Philippines - DUMALO sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, araw ng Miyerkules, Abril 22 sa centennial canonical coronation ng iginagalang na imahe ng Our Lady of Manaoag sa Manaoag Church sa Pangasinan. Ang nasabing okasyon ay tanda ng 100 taon ng pananampalataya at paglalakbay sa banal na lugar sa imahe, nakadambana sa Minor Basilica...












