VP Sara patuloy nagtatago sa “technicalities” sa halip sumagot sa paratang sa impeachment – Rep. Ortega
MANILA, Philippines - Binatikos ni Deputy Speaker Paolo Ortega si Vice President Sara Duterte sa patuloy nitong hindi pagsagot sa mga alegasyon sa kanyang impeachment case. Ang pahayag ay ginawa ni Ortega nang hingan ng reaksyon sa isinumiteng Consolidated Answer Ad Cautelam ni Duterte, ani Ortega, sa halip na sagutin isa isa ng Pangalawang Pangulo ang mga isyu ay nagtago...
Frasco, ini-enjoy pa rin tiwala ni PBBM sa kabila ng bagong posisyon – Malakanyang
MANILA, Philippines - Sinabi ng Malakanyang na ini-enjoy pa rin ni dating Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng pagkakalipat sa kanya sa bago niyang posisyon bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace press officer Claire Castro, nananatili ang kumpiyansa ni Pangulong...
Wilberto Kwan Tiu, itinalaga bilang OIC ng BFP
MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Fire Chief Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tiu bilang officer-in-charge (OIC) ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa gitna ng administrative at criminal complaints laban sa hepe nito. Sa isang memorandum, may petsang Marso 16, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na agad magiging epektibo ang appointment “until a replacement is...
P5K ayuda ipinamahagi sa mga tricycle driver sa Maynila
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng cash relief assistance na nagkakahalaga ng P5,000 para sa mga tricycle driver at operator sa Maynila, araw ng Martes, Marso 17, 2026. Ayon sa Pangulo, dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan, patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na nagresulta rin sa pagtaas ng...
Krisis sa MidEast patuloy na minomonitor ng gobyerno – PBBM
MANILA, Philippines - Patuloy na binabantayan gobyerno ang mga kaganapan sa Gitnang Silangan. “Nandito ang gobyerno. Nandito ang pamahalaan at talagang binabantayan natin kung anong mga bagong pangyayari, kung ano pang darating," ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang pamamahagi ng cash aid sa mga tricycle drivers sa ASAC Covered Court sa Sta. Mesa, Manila. Pinawi ng Pangulo ang alalahanin...
P5K fuel aid program, palalawigin ‘gang Abril
MANILA, Philippines - Palalawigin ng gobyerno ang fuel subsidy program nito ng hanggang Abril para tulungan ang 400,000 public utility vehicle (PUV) drivers na makayanan ang tumataas na presyo ng langis sa gitna ng labanan sa Gitnang Silangan. Ito'y matapos ang matagumpay na initial payouts na mapakikinabangan ng tricycle drivers sa Metro Manila. Ang pamamahagi ng P5,000 na cash assistance ay...
Progreso sa rehabilitasyon ng kalsada sa CamSur, pinuri ni Dizon
MANILA, Philippines - Nakitaan ni Highways Secretary Vince Dizon ng pag-unlad sa pagkukumpuni ng kalsada, pag-aayos ng road slips, at konstruksyon sa mga bayan ng Lupi at Sipocot sa Camarines Sur kumpara sa una niyang pag-iinspekayon noong Enero. Sa muli niyang pagbisita, pinuri ni Dizon ang malaking pagbabago na nagbigay-diin sa mas mabilis na biyahe bago ang Semana Santa. Kabilang ang...
Panukalang pagsuspinde sa biofuel blending pasado na sa Kamara
MANILA, Philippines - Sa botong 209 na pabor at 5 na tutol, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 8469 o Oil Price Stabilization Act na aamiyenda sa Biofuels Act of 2006 na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Bongbong Marcos na suspindehin pansamantala ang paggamit ng biofuel blending habang mataas pa ang presyo...
Pagkakaantala ng infra funds, itinanggi ng DBM; GAA rules sa pagpapalabas, tinukoy
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Department of Budget and Management (DBM) ang alegasyon na naaantala ang pagpapalabas ng pondo para sa public works projects. Sinabi ng DBM sa isang kalatas na malabong mangyari ang nasabing alegasyon dahil mahigpit nitong sinusunod ang probisyon ng 2026 General Appropriations Act (GAA) at kaugnay na pamamaraan. Ayon pa rin sa departamento, hindi nito pinipigilan ang...
TNVS sector, nakahinga sa taas-pasahe ng LTFRB matapos ang sunud-sunod na oil price hikes
MANILA, Philippines - Malugod na tinanggap ng mga transport community group ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas ang base fares para sa transport network vehicle service (TNVS), na anila’y malaking tulong sa mga driver at operator na hirap sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang gastusin. Ayon sa TNVS sector,...












