Lunar eclipse sa Marso 3, ‘di dapat katakutan – PAGASA

0

MANILA, Philippines - Ipinaliwanag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang total lunar eclipse ay nagaganap kapag pumagitna ang mundo sa pagitan ng araw at buwan at walang dapat ikabahala sa mapulang kulay ng buwan tuwing nagaganap ito, sa kabila ng matagal nang paniniwala at pamahiin tungkol dito. Ang pulang kulay o "blood moon" ay dulot...

Pamilya ng EJK victims nagtipon sa UP Diliman sa papatuloy ng ICC hearing vs Duterte

0

MANILA, Philippines - Nagtipon ang mga kaanak ng mga biktima ng war on drugs ng administrasyong Duterte sa University of the Philippines Diliman noong Biyernes, kasabay ng pagpapatuloy ng confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague. Idinaos ang “justice watch” malapit sa UP College of Mass Communications, kung saan pinanood...

133 barangay apektado sa pagsabog ng Kanlaon

0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines - Aabot sa 133 barangay ang naapektuhan ng ashfall at iba pang epekto ng kamakailang moderately explosive eruption ng Mount Kanlaon noong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon kay Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol, bukod sa ashfall ay nakaranas din ng amoy asupre ang mga apektadong lugar. Kabilang sa mga lugar...

2 “uson” naitala sa Mayon; alert level 3 pa rin

0

ALBAY, Philippines - Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang dalawang pyroclastic density current (PDC) o “uson” sa Mayon Volcano noong Biyernes, Pebrero 27, matapos ang pagguho ng lava sa Bonga Gully. Naganap ang unang PDC alas-12:40 ng tanghali at sinundan ng isa pa alas-2:05 ng hapon. Tumagal ang bawat isa ng halos isang minuto. Ang PDC...

Easterlies magpapa-ulan sa ilang bahagi ng bansa

0

MANILA, Philippines - Inaasahang magiging maulap at may mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies ngayong Sabado, ayon sa PAGASA. Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Davao Region, Surigao del Sur, Agusan del Sur, South Cotabato, at Sarangani. Samantala, sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang...

Walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58, Mega Lotto 6/45, Biyernes, Peb. 27, 2026

0

MANILA, Philippines - Walang nanalo sa alinman sa major Lotto jackpot nitong Biyernes, Pebrero 27, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Walang pumili ng panalong kombinasyon na 51-32-19-41-12-01 sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot prize na P75 milyon. Samantala, wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45 na may winning combination na 39-30-26-29-43-15 na may jackpot prize na P15...

3 bagong ambassador sa PH, tinanggap ni PBBM

0

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalong mapalalakas ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Slovak Republic, Papua New Guinea at Lao People's Democratic Republic matapos tanggapin ang mga bagong ambassador, araw ng Biyernes. Kabilang dito sina Ambassador Stephen Pokanis (Papua New Guinea), Miloš Koterec (Slovak Republic), at Thiphasone Sengsourinha (Lao PDR) sa Malacañang. Ayon sa Pangulo,...

HOY SENADO, KUMILOS NA SA 18 MARINES

0

SUMABOG na balita ang paglantad ng umano’y 18 dating miyembro ng Philippine Marines para patunayan ang male-maletang pera kaugnay ng kurakutan sa gobyerno at kuwestiyunableng kilos ng ilang miyembro ng International Criminal Court at ni dating Senador Antonio Trillanes.May 12 pa umanong kasamahan ang mga ito na hindi nakarating sa press conference na idinaos nila sa Club Filipino sa...

TULAY, HINDI KAILANGAN SA BORACAY

0

IISA ang sigaw ng mga katutubo at mga residente ng isla ng Boracay na tigilan ang binabalak na proyekto na pagpapatayo ng tulay na nagdurugtong sa mainland ng Caticlan papunta sa nasabing at isla.Dumanas nang hirap ang Boracay magmula ng ipasara ito pansamantala dahil sa mapaminsalang pandemya ngunit may panibagong problema na namang kinakaharap dahil sa hindi maayos na...

U.S.A NA MPD STATION COMMANDER

0

MABIGAT ang trabaho ng isang station commander. Sa madaling salita, hindi biro ang nakaatang sa kanyang balikat na responsibilidad. Siya ang may pananagutan sa bawat kilos at galaw ng kanyang tauhan, at siyang dapat mangasiwa sa operasyon ng istasyon.Pero teka, sa 14 na istasyon ng pulisya sa Maynila, isa sa mga ito ang napaulat na USA o under sa...