LTO Region 7, tatalupan sa katiwalian

0

MANILA, Philippines  - Iniimbestigahan na ng central office ng Land Transportation Office (LTO) ang umano’y katiwalian sa operasyon ng Region 7 sa pamamagitan ng pagbuo ng isang special team na magsasagawa ng imbestigasyon, ayon sa ahensya nitong Miyerkules. Saklaw ng imbestigasyon ang financial transactions, licensing at registration procedures, at enforcement activities sa rehiyon. Ayon kay LTO chairperson Markus Lacanilao, determinado ang...

PBBM biyaheng Cebu, mamamahagi ng tulong

0

MANILA, Philippines - BYAHENG Cebu ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa dalawang magkasunod na presidential activities. Una sa itinerary ng Pangulo ang gagawing pagbisita sa Pag-abot Processing Center sa Sitio Kawayanan, Brgy. Tayud, Liloan, Cebu. Ang Pag-abot Processing Center ay isang pasilidad ng pamahalaan na itinayo upang tumugon sa pangangailangan ng mga mahihirap at vulnerable nating mga...

2 endagered leopard kitten, nasagip sa Palawan

0

PALAWAN - Nasagip ang dalawang endangered Palawan leopard cat kittens sa Roxas, Palawan matapos matagpuang hiwalay sa kanilang ina, ayon sa mga awtoridad. Una silang napagkamalang karaniwang pusa ngunit kalaunan ay kinilalang Palawan leopard cats, o “tamaral,” ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO). Sinabi ni MENRO officer Engr. Marilo Manlavi na nadiskubre...

Dy nangakong aaprubahan National Minimum Wage Bill – solon

0

MANILA, Philippines - Nangako si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na aprubahan ang panukalang National Minimum Wage Act na naglalayong magpatupad ng iisang national minimum wage at alisin ang regional wage boards, ayon kay Kamanggagawa party-list Rep. Elijah San Fernando. Sinabi ni San Fernando na ipinahayag ni Dy ang kanyang intensyon na ipasa ang substitute bill na pinagsama ang...

Romania nag-aalok ng scholarship program sa Pinoys

0

MANILA, Philippines - Binuksan na ng pamahalaan ng Romania ang scholarship program nito para sa mga Pilipinong nais magpatuloy ng higher education sa ibang bansa. Tumatanggap ng aplikasyon ang Romanian Ministry of Foreign Affairs para sa kanilang taunang scholarship program para sa bachelor’s, master’s, at doctoral studies sa iba’t ibang larangan, maliban sa medicine, dental medicine, at pharmacy. Dadaan muna ang...

Clark International Airport swak sa “best at arrivals” sa buong mundo

0

Kinilala ang Clark International Airport (CRK) bilang isa sa anim na “best at arrivals” sa buong mundo sa ilalim ng 2025 Airport Service Quality (ASQ) Customer Experience Awards na inorganisa ng Airports Council International (ACI) World. Ang ASQ ay isang global benchmarking program na sumusukat sa passenger satisfaction habang nasa airport ang mga biyahero. “To be named among the world’s Best...

Online lending app predators, tutugisin ng CICC

0

MANILA, Philippines - Naglunsad ng crackdown ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) laban sa mga predatory online lending applications (OLA) sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa finance technology firm na Copperstone Lending, Inc. Ayon kay CICC information officer Shekaina Lim, layunin ng partnership na makabuo ng “safer lending landscape,” kasunod ng mga ulat na maraming OLA ang nag-aalok ng instant...

10 pang bus, PUV terminal operators, pinatawag ng LTO sa mga paglabag

0

MANILA, Philippines - Naglabas ng show-cause orders (SCOs) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa 10 pang bus at public utility vehicle (PUV) terminal operators sa Pangasinan at La Union dahil sa paglabag sa safety at comfort standards. Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, isinagawa ang aksyon matapos ang surprise inspection na pinangunahan ni LTFRB regional...

Paglalagay ng ‘di otorisadong tatak sa passport, bawal, may parusa – DFA

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino laban sa paglalagay ng unauthorized stamps o markings sa kanilang passport dahil ito ay may kaakibat na parusa sa ilalim ng batas. Sa inilabas na advisory noong Miyerkules, Pebrero 25, sinabi ng DFA na ang unauthorized changes sa Philippine ePassport ay maaaring magresulta sa pagiging invalid ng...

Paggamit ng AI pinayagan ng DepEd sa mga paaralan

0

MANILA, Philippines - Pinahintulutan ng Department of Education (DepEd) ang responsable at maayos na paggamit ng artificial intelligence (AI) sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa ilalim ng Department Order No. 003, series of 2026, o ang Foundational Guidelines on Artificial Intelligence in Basic Education. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, gagamitin ang AI bilang support tool sa pagtuturo...