Pag-alis kay Bonoan sa kasong graft, tinanggihan ng Sandiganbayan

0

MANILA, Philippines - Tinanggihan ng Sandiganbayan ang kahilingan ng Office of the Ombudsman na alisin si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kanyang kasong graft, na maaaring makaapekto sa plano na gawin siyang state witness sa multibilyong pisong iskandalo sa flood control projects. Ang kaso ay kaugnay ng umano’y pakikipagsabwatan ni Bonoan kay Senador Jinggoy Estrada upang maisama ang mga...

2 mangingisda dedbol sa pagsabog sa pangingisda sa Pangasinan

0

PANGASINAN, Philippines - Patay ang dalawang mangingisda habang isa pa ang nasugatan matapos ang isang pagsabog sa dagat ng Barangay Tambobong, Dasol, Pangasinan noong Agosto 1. Ayon sa pulisya, bandang 3:30 p.m. nang marinig ng dalawang saksi ang malakas na pagsabog at nakita ang tatlong mangingisda na sugatan sa tubig. Agad silang dinala sa Dasol Community Hospital, kung saan dalawa ang...

COA Witness: Si Sara Duterte lang VP, DepEd Sec na may confidential funds

0

MANILA, Philippines - Natatangi si Vice President Sara Duterte ang nagkaroon ng multi-milyong confidential funds bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at bise presidente ng Pilipinas, ayon sa testimonya ng isang senior auditor ng Commission on Audit (COA). Sa kanyang testimonya sa impeachment trial, sinabi ni Auditor Roderick Wamil, who na nagsilbi sa  Intelligence and Confidential Funds Audit Office...

8 milyong customers, makikinabang sa P9.5B refund ng Meralco – Malakanyang

0

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa higit sa 8 milyong customers ng Meralco ang inaasahan na makikinabang sa 9.5 billion pesos na refund ng nasabing kompanya. Dahil hangad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagaanin ang pasanin ng mga Pilipino, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na...

Engkuwentro sa Abra, sumiklab sa gitna ng security ops

0

ABRA, Philippines - Nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at humigit-kumulang 10 armadong lalaki noong Agosto 2 sa Barangay Bonglo, Licuan-Baay, Abra. Ayon sa 503rd Infantry Brigade, nakasagupa ng Alpha Company ng 50th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt. Joseph M. Gabinay ang armadong grupo habang nagsasagawa ng security operations sa lugar. Sinabi ng 5th Infantry Division na...

Manilenyo pinag-iingat sa pagdami ng “wild” diseases sa Maynila

0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga Manilenyo kaugnay ng pagtaas ng kaso ng mga sakit na karaniwang lumalaganap tuwing tag-ulan o tinatawag na "WILD" diseases na kinabibilangan ng water-borne diseases, influenza, leptospirosis, at dengue. Sa kanyang "Talk to the People" Facebook Live nitong Lunes, sinabi ni Domagoso na batay sa ulat ng Manila Health...

PAGASA: Malalakas na ulan mararanasan sa bagyong Luis, pinalakas na Habagat

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang PAGASA na magdadala ang Tropical Depression Luis ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon bago ito humina, habang ang bagyong “Dolphin” ay inaasahang magpapalakas sa habagat, na maaaring magdulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga susunod na araw. Ayon kay PAGASA weather specialist Charmagne Varilla, pinakamalakas ang inaasahang ulan sa Pangasinan, na maaaring...

Panawagan ni Teodoro sa paninindigan ng posisyon sa WPS, suportado ng Malakanyang

0

MANILA, Philippines - Suportado ng Malakanyang ang panawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga public officials na panindigan ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Para kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, ang katapatan ng bawat filipino ay nararapat na para lamang sa bansa ,...

OCD: Higit 6,300 pamilya apektado ni bagyong Luis

0

MANILA, Philippines - Umabot na sa 6,316 pamilya ang naapektuhan ng Tropical Depression Luis, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes. Batay sa pinakahuling ulat ng OCD, ang mga apektadong pamilya ay mula sa Bicol Region, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Wala pang naitatalang namatay, nasugatan, o nawawala dahil sa sama ng panahon. May pitong...

Mga vlogger, content creator na wala pang 15-anyos, kailangan ng work permit – DOLE

0

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga batang wala pang 15 taong gulang na gumagawa ng vlogs, social media content, o iba pang online content ay kailangang kumuha ng working child permit upang maiwasan ang legal na problema. Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, saklaw din nito ang mga batang lalahok sa telebisyon,...