PBBM, kikilos base sa ebidensiya ukol sa gambling complaint vs DOH chief
MANILA, Philippines - Sinabi ng Malakanyang na ibabatay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang anumang magiging aksyon sa ebidensiya kasabay ng pagpayag na magsagawa ng karampatang imbestigasyon sa reklamong inihain laban kay Health Secretary Jose “Brix” Pujalte Jr. kaugnay sa di umano'y gambling activities. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing...
PNP: Focus crimes bumaba ng higit 36% noong Hulyo 2026
MANILA, Philippines - Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 36.12% ang bilang ng focus crimes noong Hulyo 2026 kumpara sa parehong buwan noong 2025. Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., mula sa 3,458 kaso noong Hulyo 2025 ay naging 2,209 kaso na lamang noong Hulyo 2026. Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical...
Mapayapang halalan sa BARMM, titiyakin ng PNP, AFP
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na nakahanda ang security forces na siguruhin na mapayapa, maayos at mapagkakatiwalaan ang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na Setyembre. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na may karagdagang personnel ang maaaring ideploy kung...
4 katao, 11-buwang gulang na sanggol, utas sa sunog sa Caloocan
MANILA, Philippines - Utas ang limang katao kabilang ang 11-buwang sanggol at kanyang ina matapos ma-trap sa nasunog na dalawang palapag na apartment sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw. Sa inisyal na ulat ni Caloocan City Central Fire Station arson investigator FO1 Samuel Rentillo Jr., nagsimula ang sunog sa talyer na nasa unang palapag ng apartment sa Blk 57L...
150 kabataang Manilenyo, nabigyan ng trabaho sa SPES
MANILA, Philippines – Umabot sa 150 kabataang Manileño ang pormal na tinanggap sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) matapos pangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang contract signing nitong Lunes, Agosto 3, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng trabaho at dagdag-kabuhayan sa mga estudyante at out-of-school youth. Kasama ni Domagoso sa seremonya sina Vice...
Suspensiyon ng P85 wage hike, pinalagan ni Risa: ‘Kakarampot na nga, ipinagkait pa’
MANILA, Philippines - Matinding pinalagan ni Senador Risa Hontiveros ang desisyon ng korte na ipagpaliban ang implementasyon ng P85 wage hike sa Metro Manila na kung tutuusin sobrang kakarampot kumpara sa kinahaharap na pabigat ng manggagawa sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Hontiveros na “alam natin ang bigat ng pakiramdam kapag dumarating ang sweldo -...
Taxpayer-centric reforms isinusulong ng BIR sa tax relief agenda ni PBBM – Malakanyang
MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapatupad ng taxpayer-centric reforms para gawing simple ang 'tax compliance, paghusayin ang taxpayer services, at palakasin ang revenue collection' alinsunod sa direktiba n Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagaanin ang paghihirap ng mga filipino. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press...
Pagpapalakas sa Free College Law, tutukan ni Bam; pondo dadagdagan
MANILA, Philippines - Siyam na taon matapos maisabatas ng Free College Law, muling pinagtibay ni Senador Bam Aquino ang kanyang pangako na lalo pang palakasin ang batas at tiyaking mabibigyan ng sapat na pondo upang mas maraming Pilipino ang makatapos ng kolehiyo. Ginawa ni Aquino ang pagtiyak kasabay ng ika-siyam na anibersaryo ng pagsasabatas ng Republic Act No. 10931, o...
25-anyos rider, dedo sa bangga sa warning sign sa ginagawang tulay sa ZamboSur
ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines - Patay ang isang 25-anyos na rider matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa metal warning sign sa isang ginagawang tulay sa Barangay Bulanit, Labangan, Zamboanga del Sur madaling-araw ng Agosto 4. Ayon sa pulisya, bandang 12:38 a.m. nang mangyari ang aksidente malapit sa Botel Bridge. Galing umano ang biktima na kinilalang si Christian Banagan sa Pagadian...
Mekanino nanghiram ng barte, pinagbabaril sa hapar ng maraming tao
CAVITE, Philippines - Isang mekaniko ang namatay makaraang pagbabarilin ng isang armadong.suspek habang nanghihiram ng bareta sa Zone 5, Brgy. Sampaloc IV, Dasmariñas City. Ayon sa report, Kinilala ang biktima na si alyas "Ramir", 32-anyos, mekaniko at residente ng Bautista Property, Brgy. Sampaloc IV ng nasabing lungsod. Sa ulat ng pulisya sakay ang biktima ng kanyang Honda Click 150 upang manghiram...












