Home NATIONWIDE Taxpayer-centric reforms isinusulong ng BIR sa tax relief agenda ni PBBM –...

Taxpayer-centric reforms isinusulong ng BIR sa tax relief agenda ni PBBM – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Ipagpapatuloy ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapatupad ng taxpayer-centric reforms para gawing simple ang ‘tax compliance, paghusayin ang taxpayer services, at palakasin ang revenue collection’ alinsunod sa direktiba n Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagaanin ang paghihirap ng mga filipino.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro na nakahanda si BIR Commissioner Charlito Mendoza na ipatupad ang panukalang tax reforms, para pagaanin ang paghihirap ng mga tax pyers sa pamamagitan ng pagpapalawig ng tax exemptions at i-exempt ang small businesses mula sa pagbabayad ng minimum corporate income tax.

“Ayon kay BIR Commissioner na handa ang kawanihan na ipatupad ang mga hakbang na maaaring aprubahan ng Kongreso,” ani Castro.

Tinuran pa ni Castro na tinitiyak ni Mendoza sa publiko na isusulong ng BIR ang taxpayer-centric initiatives upang maging episyente ang tax administration.

“Tiniyak ng Commissioner na patuloy lang ang mga taxpayer-centric measures ng BIR para gawing mas epektibo ang pagkolekta ng buwis kabilang na ang pag-simplify sa compliance at pagpapabuti ng serbisyo para sa taxpayers,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng BIR na patuloy na kokonsultahin ng BIR ang mga stakeholders upang masiguro na ang polisiya ay mananatiling tumutugon sa pangagailangan ng mga taxpayers at epektibong matutugunan ang mga hinaing na isinaboses ng publiko.

“Malinaw ang layunin ni Pangulong Marcos Jr. na gawin ang lahat ng paraan upang maibsan ang bigat na pasan ng ating mga kababayan,” dagdag na pahayag nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here