DOT Sec. Frasco pinuna ni Sen. Raffy sa ‘self-promotion’ materials
MANILA, Philippines - Pinuna ni Senator Raffy Tulfo nitong Martes si Tourism Secretary Christina Frasco sa umano’y pagpapakita ng sarili sa halip na mga destinasyon sa ilang promotional materials ng turismo. Sa pagdinig ng Senate Committee on Tourism, ipinakita ni Tulfo ang mga slides ng magazine at iba pang materyales kung saan tampok ang larawan ni Frasco. “I’m very sorry, Secretary...
Lacson, Sotto: Senate presidency, inialok kay Legarda
MANILA, Philippines - Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Martes ang umano’y nabigong pagtatangkang i-alok kay Sen. Loren Legarda ang pagiging Senate President. Ayon kay Lacson, nang hindi pumayag si Legarda, ipinakita ng mga plotter na siya umano ang nagboluntaryo upang tumulong sa pagkakalap ng suporta, na tinawag niyang “malicious” at “sadistic.” “After dangling the Senate presidency to...
Suhestiyon ni DOTr Sec. Lopez na 5-year registration sa mga bagong sasakyan, inaprubahan ni PBBM
MANILA, Philippines - Inisyal na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang suhestiyon ni Acting Secretary Jovanni Lopez na gawing 5 years ang registration sa halip na 3 years para sa mga bagong sasakyan. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na naipakita kasi ng Kalihim ang kagandahan nito. "Inisyal...
Bagong health center sa Maynila, pinasimulan ni Yorme Isko
MANILA, Philippines — Pinasinayaan sa pangunguna ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno" Domagoso ang bagong San Nicolas Health Center sa Binondo, Manila nitong Martes, Pebrero 3. Ibinunyag ng alkalde na nagsimula ang plano matapos niyang personal na inspeksyunin ang lumang health center ng San Nicolas na kanyang nakitang lubhang sira at hindi na maayos ang kondisyon. Agad umanong ipinag-utos ni...
Ika-81 taong pag-alala sa Battle of Manila
MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pag-gunita ng ika-81 taong pag-alala sa Battle of Manila. Sa loob ng St. Paul University Campus, Pedro Gil St., Malate Manila -- naging kanlungan ng mga sibilyan -- dito pinapurihan ni Yorme ang mga Beteranong lumaban at nag buwis ng buhay 81 taon...
Dagdag P7.372-B para sa mga guro, kawani ng pamahalaan, inaprubahan ni PBBM
MANILA, Philippines - Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni Acting Secretary Rolando Toledo ng karagdagang P7.372 bilyong piso. Layon nito na matustusan nang buo ang natitirang cash requirement para sa Fiscal Year 2025 Service Recognition Incentive (SRI) ng mga kwalipikadong guro at non-teaching personnel sa buong bansa. Inaprubahan...
PBBM ‘di mapapataksik sa pwesto sa pagturnover kay FPRRD sa ICC
MANILA, Philippines - Hindi maaaring batayan sa pagpapaimpeach kay Pangulong Bongbong Marcos ang naging pag-turnover kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), ayon sa House Committee on Justice. Ang paglilinaw ay ginawa ng komite sa naging pagtalakay nito sa unang batayan sa impeachement complaint na inihain ni Atty. Andres de Jesus na nagsabing nakagawa ng betrayal of...
Pakikipag-pulong ng Quezon City gov’t sa MMDA para sa pedestrian-friendly QC
QUEZON CITY, Philippines - Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, kina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes, at MMDA General Manager Nicolas Torre III. Isa sa mga layunin ng pagpupulong na ito ay ang paglalahad ng mga plano at kasalukuyang ginagawa tungo sa isang walkable at pedestrian-friendly QC. Ikinagagalak naman ang pagpapahatid...
Pagpapagaan sa buhay ng mga mananakay, tinalakay sa Malakanyang
MANILA, Philippines - Mas mabilis at komportableng byahe, pinaikling pila, dagdag na mga tren at mas mahabang operating hours. Ito ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay ilan lamang sa mga tinalakay sa ginanap na pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang Department of Transportation, umaga ng...
Botohan sa ‘sufficiency in substance’ ng impeachment vs PBBM sa Kamara, ipinagpaliban
Manila, Philippines – Ipinagpaliban ngayong araw ng House Committee on Justice ang botohan para sa “sufficiency in substance” sa impeachment nakahaing laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro ay dahil bukas magbobotohan matapos isailalim sa deliberasyon ang Maza et al complaint na hindi natalakay ngayong umaga dahil katatapos lamang talakayin ang De Jesus complaint. “We...












