3 barko ng China namataan ng PCG na nakabantay sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc
MANILA, Philippines - Namataan ng Philippine Coast Guard ang presensya ng tatlong barko ng China Coast Guard (CCG) sa Bajo de Masinloc. Ayon sa PCG, ipinadala ang tatlong barko at eroplano mula noong Enero 26 para asistehan ang mahigit 40 fishing vessels mula Zambales, Bataan, Pangasinan, at Mindoro. Sa naturang mission, naidokumento ng coast guard ang presensya ng mga barko ng...
Dating chief justice ng SoKor hinatulan sa pang-aabuso sa kapangyarihan
SEOUL, South Korea — Hinatulan ng isang appellate court sa South Korea ang dating Chief Justice ng Supreme Court na si Yang Sung-tae ng anim na buwang pagkakakulong na may isang taong suspension, kaugnay ng pang-aabuso umano nito sa kapangyarihan at iligal na pakikialam sa mga paglilitis. Ipinataw ng Seoul High Court ang hatol nitong Biyernes, Enero 30, binaligtad ang...
Wala pang kaso ng Nipah virus sa bansa – DOH
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang naitalang kaso ng Nipah virus sa Pilipinas. Sa kabila nito, sinabi ng DOH na may nakatakdang hakbang upang maprotektahan ang publiko. Sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang gaya ng Thailand at Taiwan na pinapalakas ang mga hakbang para maiwasan ang pagpasok...
Paglalabas ng summons sa civil libel case ni Leviste vs Castro ipinag-utos ng korte
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng isang Regional Trial Court (RTC) sa Balayan, Batangas ang paglalabas ng summons sa civil libel case na inihain ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste laban kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro. Sa kopya ng kautusan ng RTC Branch 11 na ibinahagi sa media nitong Sabado, Enero 31, nakasaad na na-raffle sa nasabing...
Villar Land kinasuhan ng SEC sa umano’y market manipulation, insider trading
MANILA, Philippines — Nagsampa ng kasong kriminal ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Villar Land Holdings Corp. dahil sa umano’y market manipulation, insider trading, at mapanlinlang na mga pahayag sa publiko. Sa pahayag nitong Sabado, Enero 31, sinabi ng SEC na nilabag umano ng Villar Land, na dating Golden MV Holdings Inc., ang Section 24.1(d) at Section 26.3...
ASEAN target magpatibay ng coast guard, maritime cooperation framework sa Mayo
MANILA, Philippines — Bukas ang mga foreign minister ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagpapatibay ng isang kasunduan na magpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga coast guard at maritime agencies ng rehiyon. Iminungkahi ng Pilipinas ang pag-adopt ng ASEAN Declaration on Maritime Cooperation sa nakatakdang 48th ASEAN Leaders’ Summit sa Mayo, na layong maglatag ng konkretong hakbang...
Watermelon farmers sa Pangasinan poprotektahan vs mapanlamang na buyer
MANILA, Philippines — Kumilos na ang lokal na pamahalaan ng Bani, Pangasinan upang protektahan ang mga magsasaka ng pakwan laban sa mga buyer na gumagamit ng mapanlamang na transaksiyon. Sa panayam nitong Sabado sa pagbubukas ng Pakwan Festival, sinabi ni Vice Mayor Gwen Palafox-Yamamoto na may mga ulat ng buyer na nagbibigay ng paunang bayad ngunit sinasadyang patagalin ang pagkuha...
Kamara bukas sa bagong impeachment complaints vs VP Sara simula Peb. 6 — Ridon
MANILA, Philippines — Inihayag ng House of Representatives na handa itong tumanggap at dinggin ang mga bagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte simula Pebrero 6, 2026, ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon nitong Sabado, Enero 31. Pahayag ito ni Ridon kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa pagiging labag sa Konstitusyon ng mga...
Pagkumpleto sa delayed na flyover project sa Pampanga ipinag-utos ni Dizon
MANILA, Philippines - Pinatututukan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpleto sa Sto. Cristo Flyover project sa Angeles City, Pampanga, na tatlong taon nang naantala. Ininspeksyon ni Secretary Vince Dizon ang proyekto nitong Sabado, Enero 31, at ipinag-utos ang paglalabas ng pondo sa konstruksyon nito na target makumpleto sa Hunyo 2027. Nalaman ng DPWH chief na ang isang...
Menor de edad nasagip ng BI sa NAIA sa illegal overseas deployment
MANILA, Philippines - Naharang at nasagip ng Immigration authorities ang 17-anyos na babaeng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Enero 31. Ang menor de edad na kinilala sa alyas Zia ay mula sa Maguindanao del Sur, na paalis sana ng bansa patungong Saudi Arabia sakay ng Philippine Airlines flight...












