Walang nanalo sa major lotto jackpots ng Linggo, Enero 11, 2026
MANILA, Philippines - Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang tumama sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 sa ginanap na draw noong Linggo ng gabi, Enero 11. Sa Ultra Lotto 6/58, ang lumabas na winning combination ay 44-51-31-32-09-35, ngunit walang nanalo sa jackpot na nagkakahalaga ng P226.89 milyon. Wala rin umani ng panalo sa Super...
Kumalat na fake news sa kalusugan ni Ombudsman Remulla, iimbestigahan ng NBI
MANILA, Philippines - Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Linggo, Ene. 11, na magsasagawa ito ng imbestigasyon upang alamin kung sino ang nasa likod ng kumalat na mga tsismis sa social media na umano’y kritikal ang kalagayan, naospital, at pumanaw si Ombudsman Jesus Crispin C. Remulla noong Disyembre. Ayon kay NBI Director Angelito DLP. Magno, handa ang ahensya...
Lacson, binatikos si Sen. Imee sa alegasyon ng “soft pork” 2026 budget
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang alegasyon ni Sen. Imee Marcos na may “soft pork” ang 2026 General Appropriations Act (GAA). Ayon kay Lacson, may allocable fund si Marcos na P2.5–3.5 bilyon sa 2025 National Expenditure Program batay sa “Cabral files.” “Eh kung ganun definition niya ng pork, eh siya yung merong pork. So...
Anti-political dynasty bill pasok sa deliberasyon ng LEDAC
MANILA, Philippines - Sinabi ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na ang Anti-Political Dynasty Bill ay kabilang sa 17 panukalang batas ng LEDAC na nakatakdang talakayin sa antas ng komite. Kinumpirma niya ito bago ang pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Enero 26 matapos ang isang buwang holiday break. Bukod sa Anti-Political Dynasty Bill, tatalakayin...
DPWH officials sa flood control scam, kulong ng 12 taon sa pagbawi ng testimonya – Lacson
MANILA, Philippines - Kahit bawiin ang sinumpaang salaysay sa ginanap na legislative inquiry sa flood control scandal, makukulong pa rin ang lahat ng opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi hihigit sa 12 taon sa kasong perjury. Ganito ang pahayag ni Senate President Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee matapos magpahiwatig ng pagbawi...
GUMUHONG BINALIW DUMPSITE, LITERAL NA DUMPSITE AT HINDI LANDFILL
INIHAYAG ng mga kaanak ng mga biktima ng gumuhong Binaliw dumpsite sa Cebu na literal umanong dumpsite at hindi landfill ito. Kaya naman, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa narerekober ang bangkay ng kanilang kaanak. Habang tinitipa ito, anim pa lamang ang natatagpuang bangkay mula sa 30 katao na hinahanap na natabunan ng basura, bukod pa ang mga mangangalakal na natabunan din. Nabatid na...
Unang bagyo ng 2026, posible ngayong linggo
MANILA, Philippines - Isang low pressure area (LPA) ang posibleng mabuo sa timog-silangan ng Mindanao ngayong Lunes at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes. Maaaring itong maging tropical depression pagsapit ng Huwebes at tatawaging “Ada”. Pagsapit ng Biyernes, inaasahang mananatili ito sa silangan ng Eastern Visayas. Sa weekend, posible itong manatili sa silangan ng Bicol o tumawid sa Southern...
ALAMIN: Meralco power interruption sa Enero 12 – 18
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng scheduled power interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Laguna mula Enero 12 hanggang 18, ayon sa Manila Electric Company (Meralco). Ang mga ito ay dahil sa maintenance, upgrading, line reconstruction, at pole installation works. Mga Apektadong Lugar at Iskedyul --Bulacan Jan. 12 (12:01–1:00 a.m. at 7:00–8:00 a.m.)Bahagi ng Angat, Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San...
Mayon, may pagtaas ng seismic energy — Phivolcs
MANILA, Philippines - Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Linggo na may pagtaas sa seismic energy release ng Bulkang Mayon, na nananatili sa Alert Level 3. Ayon sa Phivolcs, isang “pronounced increase in real-time seismic energy release (RSAM)” ang naitala sa anim sa 16 monitoring stations ng Mayon Volcano Network. Sinabi ng ahensya na ang pagtaas...
PHILHEALTH NAGPALIWANAG
NITONG nakaraang Biyernes, ipinanawagan natin sa PhilHealth na bigyang-linaw ang ilang usapin sa ahensya at miyembro nito, kabilang na ang problema sa hindi nababayarang kontribusyon o premium ng huli.Isa sa mga pinakamahalagang mensahe ng PhilHealth sa tugon nito ang pagtitiyak na agarang mabibigyan ang lahat ng miyembro ng kinauukulang benepisyo at tulong anoman ang kalagayan nito kaugnay ng bayarin...












