9.6°C naitala sa La Trinidad, Benguet

0

MANILA, Philippines - Nakapagtala ng 9.6 degrees Celsius na temperatura sa La Trinidad, Benguet nitong Martes, Disyembre 30, ang pinakamababa ngayong Amihan season. Mas malamig ito sa 10 degrees Celsius na naitala sa Benguet noong Lunes. Samantala, nabalot naman ng frost ang mga pananim sa Atok dahil sa patuloy na mababang temperatura. Ayon sa PAGASA, posibleng bumaba pa sa 7.5 degrees Celsius...

44% ng mga Pinoy umaasa, kalidad ng buhay sa 2026 mas bubuti – SWS

0

MANILA, Philippines - TINATAYANG 44% ng adult Filipino ang umaasa na magiging mabuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan. Ito ang lumabas sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nito lamang Nobyembre. Mayroon namang 38% ng mga respondent ang nagpahayag na nararamdaman nilang mananatiling pareho ang kalidad ng kanilang buhay habang 8% naman ang...

Halos 1M pasahero dumagsa sa PITX mula Dis. 26–30

0

MANILA, Philippines — Umabot na sa halos isang milyon ang bilang ng mga pasaherong naitala sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula Disyembre 26 hanggang 30, ayon sa pamunuan ng terminal. Sa kabuuan, 975,577 pasahero ang pumasok sa PITX sa loob ng limang araw. Pinakamataas ang naitalang foot traffic noong Disyembre 26, isang araw matapos ang Pasko, na may 214,014...

PPA nagbabala, maging maingat sa pag-uugnay sa antidepressant sa suicide cases

0

MANILA, Philippines - Habang patuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ng dating Public Works Undersecretary na si Catalina Cabral, nagbabala ang Philippine Psychiatric Association (PPA) laban sa mga pahayag na nag-uugnay sa paggamit ng antidepressant sa pagtaas ng suicidal nang walang beripikadong medikal na ebidensya at klinikal na konteksto. Sa isang pahayag, sinabi ng PPA na ang paggawa nito ay maaaring...

Mga tindahan ng paputok sa Nueva Ecija ininspeksyon

0

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Nueva Ecija Police director, PCol. Heryl Daguit Bruno ang pag-iinspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa iba't ibang bayan at lungsod sa lalawigan ngayong Bisperas ng Bagong Taon. Ito ay para tiyaking walang magbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok at sumusunod ang mga nagtitinda na sila ay nasa designated area lamang ng merkado. Bawat tinahan ay...

Ceasefire deal sa pagitan ng Cambodia, Thailand malugod na tinanggap ng Pilipinas

0

MANILA, Philippines - TANGGAP ng Pilipinas, bilang napipintong chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang kasunduan sa pagtigil ng labanan sa pagitan ng Cambodia at Thailand matapos ang ilang linggong bakbakan. Sa ulat, nagkasundo ang Thailand at Cambodia para sa kapayapaan na nag-iwan ng 101 katao na nasawi. “The Philippines fully supports the latest move by Cambodia and Thailand...

Ex-Mayor sa Nueva Ecija, arestado sa P.5M shabu

0

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 53-anyos na dating Mayor sa lalawigan ng Nueva Ecija matapos masamsaman ng halos kalahating milyong pisong halaga ng shabu sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Calipahan, Talavera kaninang madaling araw. Base sa report ni Lt Col. Togrlio L. Pacificar Jr., hepe ng Talavera Police Station kay Col. Heryl Daguit Bruno,...

4.5M dumagsa sa mga pantalan sa holiday season – PPA

0

MANILA, Philippines - Umabot na sa 4.5 milyon ang naitala ng Philipine Ports Authority (PPA) na pasahero sa ibat-ibang pantalan mula Disyembre 15 hanggang 30. Sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte na ang kamakailang bilang ay mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakalipas na taon. Inaasahan pa ng PPA na ang bilang ng mga pasahero ngayong taon ay lalagpas sa...

DOH nanawagan, lumikha ng batas na magbabawal sa paggamit ng paputok ng mga bata

0

MANILA, Philippines - Nanawagan si Health Secretary Ted Herbosa ng paglikha ng batas na magbabawal at magpoprotekta sa mga bata mula sa paggamit ng mga firecracker, na sinasabi na ang mga menor de edad na Pilipino ay madalas na biktima ng mga kaugnay na pinsala sa panahon ng holiday revelry. Sa isang press conference noong Martes sa Amang Rodriguez Memorial...

10 inaresto sa illegal mining sa Butuan

0

MANILA, Philippines - Arestado ng Butuan City Mobile Force Company (BCMFC) ang 10 indibidwal na umano'y sangkot sa illegal mining sa isinagawang raid sa Barangay Bilay, Butuan City nitong Lunes ng hapon, Disyembre 29. Ayon kay BCMFC chief Lt. Col. Randie Azote, ang 10 suspek ay naaktuhang humahango ng gold ores at iba pang mineral. Nakatulong ang sumbong galing sa mga...