Tatay patay, 2-anyos na anak sugatan sa Binondo shooting

0

MANILA, Philippines — Patay ang isang 31-anyos na lalaki habang sugatan ang kaniyang dalawang taong gulang na anak matapos silang pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki sa loob ng kanilang tindahan sa Parola Compound, Barangay 275, Binondo, Maynila, madaling araw ng Sabado. Isinugod sa ospital ang biktimang kinilalang si alyas “Jun,” ngunit binawian din ng buhay dahil sa hindi bababa sa...

Pulis na galing sa 24-oras na SONA duty, pisak sa trak sa Caloocan

0

MANILA, Philippines — Patay ang isang 33-anyos na pulis matapos magulungan ng 10-wheeler truck habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa C3 Road, Barangay 22, Caloocan City, pasado alas-2 ng madaling araw nitong Martes, Hulyo 28. Dead on arrival sa ospital ang biktima na pauwi na sana sa Caloocan matapos ang 24-oras na duty kaugnay ng State of the Nation Address...

85-anyos, natagpuang patay sa bahay sa Pangasinan; pagnanakaw sinisilip

0

PANGASINAN — Patay na nang matagpuan ang isang 85-anyos na lola sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Poblacion, Mangaldan, Pangasinan, matapos umanong pagpapaluin sa ulo gamit ang isang piraso ng kahoy. Natagpuan ng anak ng biktima ang kaniyang bangkay nitong Sabado. Hinala ng pulisya, pinatay siya noong Biyernes ng gabi habang mag-isa sa bahay. "Sa kaniyang nakita (anak ng biktima)...

Mahigit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila

0

MANILA, Philippines — Umabot sa 2,051 ang kaso ng dengue na naitala sa Maynila mula Enero 1 hanggang Hulyo 27, pinakamataas sa mga water-borne, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue diseases na minomonitor ng Manila Health Department. Ayon sa Public Information Office ng lungsod, nadagdagan ng tatlong bagong kaso ng dengue ang bilang nitong Hulyo 27. Sa kaparehong panahon, nakapagtala rin ang...

Gr. 8 honor stude, buking na utak sa online threats sa N. Ecija school

0

NUEVA ECIJA — Natukoy ng mga awtoridad ang isang babaeng Grade 8 honor student na nasa likod ng mga online threat na ipinadala sa isang paaralan sa Jaen, Nueva Ecija. Natunton ang estudyante sa pamamagitan ng digital forensic examination, na nag-ugnay sa mga banta sa account na pag-aari ng kaniyang magulang. Ayon kay Police Captain Michael Garcia, acting chief ng Jaen...

P7.38-M hinihinalang puslit na yosi, nasabat sa DavSur

0

DAVAO DEL SUR — Nasabat ng Philippine Coast Guard ang ₱7.38 milyong halaga ng hinihinalang puslit na sigarilyo mula sa isang motorbanca sa karagatan ng Barangay Zone 3, Sta. Cruz, Davao del Sur, nitong Lunes. Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, hinarang ng seaborne patrol ang MBCA Camilla at natagpuan sa sasakyang pandagat ang 82 master cases ng hinihinalang...

Bantang kaso ni PBBM kay Romualdez, ‘pambubudol’ – Imee

0

MANILA, Philippines — Binatikos ni Senador Imee Marcos ang ikalimang State of the Nation Address ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at tinawag na “pambubudol” ang anunsiyong malapit nang sampahan ng kaso si dating House Speaker Martin Romualdez. Hindi dumalo si Imee sa SONA kasama ang iba pang miyembro ng minority bloc sa Senado at kinuwestiyon ang...

Sirit-HIV ibinabala sa $7.3B tapyas-pondo

0

GENEVA — Nanganganib na muling lumala ang HIV epidemic sa buong mundo matapos bumaba nang 18 porsiyento sa $7.3 bilyon ang international funding noong 2025, ang pinakamababang antas sa halos dalawang dekada, ayon sa UNAIDS. Sa ulat na inilabas sa pagbubukas ng isang international AIDS conference sa Brazil, nagbabala ang ahensiya ng United Nations na maaaring mabawi ng kaguluhang pampolitika...

M-5.6 na lindol, yumanig sa karagatan ng Davao Oriental

0

DAVAO ORIENTAL — Isang magnitude 5.6 na lindol ang tumama sa karagatan ng Baganga, Davao Oriental, nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Naitala ang tectonic earthquake alas-7:06 ng umaga, na may epicenter 33 kilometro sa silangan ng Baganga at lalim na 20 kilometro. Naramdaman ang Intensity IV sa Digos City, Davao del Sur. Ayon sa PHIVOLCS,...

OCTA: Inflation, pangunahing pambansang alalahanin – sarbey

0

MANILA, Philippines — Nananatiling pangunahing pambansang prayoridad ng mga Pilipino ang pagkontrol sa inflation, habang kalusugan at pag-iwas sa sakit ang nangungunang personal na alalahanin, ayon sa second-quarter 2026 Tugon ng Masa survey ng OCTA Research. Bumaba mula 45 porsiyento noong Marso hanggang 37 porsiyento nitong Hulyo ang bilang ng mga respondent na nagsabing pinakamahalagang tugunan ang pagtaas ng presyo...