Vlogger na kilalang supporter ni PBBM, utas, kalive-in partner, sugatan sa pamamaril sa Caloocan
MANILA, Philippines - Patay ang 24-anyos na vlogger na kilalang supporter umano ni Pangulong Bongbong Marcos habang malibha namang nasugata. ang kinakasama nitong lalaki matapos pasukin at ratratin ng hindi pa kilalang mga suspek napaulat kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa kanyang ulo ang biktimang nakilala sa alyad na...
Racist video ng China Daily, binatikos ng mga opisyal ng PH
MANILA, Philippines - Kinondena ng ilang opisyal ng Pilipinas ang AI-generated video ng China Daily na nagpakita sa mga Pilipino bilang mga unggoy kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang naturang video ay racist, mapanlait, at hindi katanggap-tanggap. Hiniling din nito sa China Daily na alisin agad ang video at itigil...
Dokumento ng 2019 SEA Games, muling susuriin ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na muling susuriin ng kanyang tanggapan ang mga dokumento kaugnay ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games upang alamin kung may mga paglabag na maaaring kasuhan. Ito ay matapos kumpirmahin ng Office of the Ombudsman na ibinasura noong 2021 ang reklamong isinampa laban kay Public Works Secretary Vince Dizon kaugnay ng umano'y...
Padilla: ‘Komunismo’ tumutukoy sa pagkakapantay-pantay, ‘di armadong pakikibaka
MANILA, Philippines - Nilinaw ni Senador Robin Padilla na mali ang naging interpretasyon ng ilan sa kanyang pahayag tungkol sa komunismo sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Padilla, may malaking pagkakaiba ang armadong komunismo na isinulong nina Vladimir Lenin at Mao Zedong at ang mas naunang konsepto ng pagtutulungan, pagkakapatiran, at pantay na pagbabahagi...
CPR drill, isinagawa sa QC para sa National CPR Day
Pinangunahan ni Philippine Red Cross Secretary General Dr. Gwen Pang, kasama ang mga lokal na opisyal at iba pang panauhin, ang “Hawak Mo ang BEAT: National CPR Day—Handa Ka Na Ba Magligtas ng Buhay?” na sabay-sabay na CPR exercise sa buong bansa nitong Biyernes, Hulyo 17, 2026, sa Risen Garden, Quezon City Hall. Layunin ng aktibidad na palawakin...
Isang pahayagan sa Tsina, kinondena ng DND sa paglalarawan sa mga filipino bilang ‘unggoy’
MANILA, Philippines - Mariing kinondena ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang China Daily makaraang maglabas ng isang social media post na naglalarawan sa mga filipino bilang mga unggoy kaugnay ng usapin sa arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS). "Such contemptible propaganda is a disgrace to any State that claims to exercise responsible regional leadership. It reveals the weakness...
Kaso vs Villanueva, Escudero tuloy pa rin – Ombudsman
MANILA, Philippines - Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magpapatuloy ang mga kasong kinakaharap nina Senador Joel Villanueva at Senador Chiz Escudero sa kabila ng mga alegasyong naapektuhan ang mga ito matapos silang sumama sa mayorya ng Senado. Si Villanueva ay inakusahan ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer na si Henry Alcantara ng umano’y pagtanggap...
Pamilya ng mga nawawalang sabungero, itinangging nabayaran para umatras sa kaso
MANILA, Philippines - Itinanggi ng ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero na tumanggap sila ng pera kapalit ng hindi pagdalo sa mga pagdinig ng kaso. Noong Biyernes, naghain sila ng kanilang counter-affidavits sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng reklamong obstruction of justice. Ayon kay Eloisa Bohol, ina ng nawawalang si Kiel Bohol, hindi sila nagpabayad at hindi sila umaatras sa...
Motorcycle taxi riders hinikayat ng PNP na gumamit ng 911 hotline sa oras ng panganib
MANILA, Philippines - Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga motorcycle taxi rider na agad tumawag sa 911 emergency hotline kapag nakakaramdam ng panganib upang mapabilis ang pagresponde ng mga pulis at maiwasan ang krimen. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., pinaigting ng PNP ang kampanya sa tamang paggamit ng 911 matapos ang magkahiwalay na...
San Beda Alabang, gagawing HQ ng 2026 Bar Exams – SC
MANILA, Philippines - Pinili ng Korte Suprema ang San Beda College Alabang (SBCA) sa Muntinlupa City bilang headquarters ng 2026 Bar Examinations na gaganapin sa Setyembre 6, 9, at 13. Bukod sa pagiging command center, magsisilbi rin ang SBCA bilang isa sa 15 testing centers sa buong bansa. Mayroong pitong testing centers sa Metro Manila, tatlo sa Luzon, tatlo sa Visayas,...












