Upskilling, wage increase sa mga manggagawang Pinoy pinatututukan ni PBBM sa DOLE
MANILA, Philippines - PINATUTUTUKAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Labor Department Secretary Francis Tolentino ang mga programang magpapahusay sa kakayahan o kasanayan ng mga manggagawa gayundin ang wage increase. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ginagawa na ito ngayon ni Tolentino kasunod ng nasabing direktiba ng Pangulo. Aniya, bahagi ito ng...
Iloilo City nananatili sa blue alert sa malalakas na pag-ulan, pagbaha
MANILA, Philippines – Nananatiling nasa Blue Alert ang Iloilo City nitong Biyernes, Hulyo 10 habang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magpapatuloy ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, na pinalalakas ng Bagyong Inday (international name: Bavi). Ayon sa Iloilo City Emergency Operations Center (EOC), nananatiling nakaalerto ang lahat ng disaster response clusters...
6 patay, 3 nawawala sa landslide sa Sarangani
MANILA, Philippines - Nasawi ang anim katao sa landslide na tumama sa Malapatan, Sarangani nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 10. Mayroon namang tatlo iba pa ang nawawala sa pagguho ng lupa. Sinabi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Malapatan na 10 indibidwal ang natabunan ng landslide. Nagsasagawa ng search and rescue operation sa ground zero sa Sitio Fundao,...
Mga customer na may reklamo sa electricity bill, ‘wag putulan ng kuryente – Hontiveros
MANILA, Philippines - Hindi dapat mawalan ng kuryente ang mga customer ng Meralco na kumikwestyon sa mataas na bill ng kuryente, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kanilang mga reklamo, ayon kay Senador Risa Hontiveros nitong Biyernes, Hulyo 10. Sa pahayag, nanawagan si Hontiveros sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magpatupad ng temporary disconnection freeze para sa mga consumer na mayroong...
2.5 tonelada ng illegal poultry products nasamsam sa Laguna
MANILA, Philippines - Mahigit 2.5 tonelada ng manok ang nakumpiska sa serye ng raid sa tatlong lokasyon sa Sta. Rosa, Laguna. Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng dalawang lalaki, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI). Sa pahayag nitong Biyernes, Hulyo 10, sinabi ng NBI na ang poultry products, na nakumpiska noong Martes, Hulyo 7 ay nasa 2,515.72 kilo. Sumailalim sa pagproseso ang...
Visayas grid isinailalim sa yellow alert
MANILA, Philippines - Nagresulta sa pagdedeklara ng yellow alert sa Visayas grid ang patuloy na unavailability ng ilang power plant. Sa abiso ng National Grid Corp. of the Philippines, (NGCP), isasailalim sa yellow alert ang Visayas grid mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ngayong Biyernes, Hulyo 10. Nasa 2,548 megawatts ang available capacity ng grid habang ang inaasahang demand...
Plunder, ‘gift receipt’ cases vs Marcoleta pinagsama ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Pinagbigyan ng Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes, Hulyo 10, ang hiling ng Sixth Division ng korte na i-consolidate ang plunder case laban kay Senador Rodante Marcoleta na may kasong kabilang ang paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga public official sa pagtanggap ng regalo. Si Marcoleta ay nahaharap sa plunder charges sa umano'y non-disclosure...
Hiling ni Jinggoy na dumalo sa impeachment trial ni VP Sara, ibinasura
MANILA, Philippines - Tinanggihan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na dumalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil sa kakulangan ng merito. Sa pitong pahinang resolusyon na may petsang Hulyo 9, 2026, sinabi ng Sandiganbayan na ang mosyon ni Estrada ay "bereft of merit." "This court cannot consider the accused-movant's request to be in...
Mahigit 500 istranded sa mga pantalan sa Bagyong Inday — PCG
MANILA, Philippines - Mahigit 500 katao ang na-stranded sa mga pantalan nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 10, 2026, dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Inday, ayon sa Philippine Coast Guard. Batay sa ulat ng PCG, kabuuang 543 katao ang na-stranded sa 50 pantalan mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng umaga. Kabilang sa mga naapektuhan ang mga pasahero,...
Status conference ni Digong sa ICC sa Hulyo 14, kinansela
MANILA, Philippines - Kinansela ng International Criminal Court Trial Chamber III ang ikatlong status conference ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana sa Hulyo 14. “The Chamber decided as such in light of the parties and participants indicating that they do not have specific matters which require attention at this stage of the proceeding,” ayon sa pahayag ng ICC. Ang...












