Pulis utas sa drug ops sa Cavite

0

CAVITE, Philippines - Isang miyembro ng Philippine National Police ang namatay makaraang barilin ng isa sa apat na drug suspek sa isang buybust operation sa Barangay San Esteban, Dasmariñas City, Cavite. Sa nakalap na report mula sa pulisya, Kinilala ang biktima na si Police Corporal Anthony John Martinez, nakatalaga sa Regional Police Drug Enforcement Unit-4A (RDEU) na idineklarang dead-on-the-spot sanhi...

Cross-examination ng defense, nagpatibay ng pangangailangan sa testimonya ni Zuleika Lopez – House prosecution

0

MANILA, Philippines - Sa halip na mapahina, lalo pang napatibay ng cross-examination ng defense panel ang kaso ng House prosecution laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa dalawang opisyal ng House impeachment panel. Sinabi nina House impeachment adviser at spokesperson Robert Ace Barbers na hindi sinasadyang napatibay pa ng cross-examination ng defense ang posisyon ng prosecution na si Atty....

Clarification hearing sa pagtatrabaho ni Tab Baldwin sa Ateneo, ipagpapatuloy sa Hulyo 9

0

MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang clarificatory hearing sa status ng trabaho ni dating Ateneo Coach Tab Baldwin bukas sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Bilang bahagi ng ilang mga paglilinaw sa estado ng trabaho ni Baldwin , inatasan din ng DOLE si Ateneo de Manila University President Fr. Roberto C.Yap SJ na dumalo sa clarificatory hearing. Ayon sa...

Prosecution, napiga ni Bam sa paglalantad ng testigo sa hitman ni VP Sara

0

MANILA, Philippines - Mistulang napiga ni Senador Bam Aquino ang prosecution panel na ilantad ang testigo sa pagkakakilanlan ng sinasabing hitman ni Vice President Sara Duterte upang patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Lisa Araneta at dating House Speaker Martin Romualdez. Sa kanyang cross examination sa testigong si NBI Agent John Mark Calilung, isang digital experts na sumuri...

₱18.4M ismagel sigarilyo, nasabat sa ZamboSur

0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines - Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang ₱18.4 milyong halaga ng umano'y smuggled na sigarilyo at naaresto ang dalawang suspek sa karagatang sakop ng Barangay Sugod, Tukuran, Zamboanga del Sur nitong Martes ng madaling araw. Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis tungkol sa iligal na pagbiyahe ng kontrabando. Naharang ang isang de-motor...

NBI agent Calilung tumindig sa matinding cross-examination sa Senate impeachment trial – Barbers

0

MANILA, Philippines - Pinuri ni House prosecution adviser at spokesperson Robert Ace Barbers si National Bureau of Investigation (NBI) Agent John Mark Calilung dahil sa pagiging matatag at kredible nito sa isinagawang cross-examination sa nagpapatuloy na Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sinabi ni Barbers na hindi napahina ng pagtatanong ng defense ang kredibilidad ni Calilung sa halip...

Focus crimes sa Mimaropa bumaba ng halos 49%

0

ORIENTAL MINDORO, Philippines - Bumaba ng 48.63 porsiyento ang naitalang focus crimes sa Mimaropa mula Mayo 8 hanggang Hulyo 6, 2026, ayon sa Mimaropa Police. Naitala ang 94 kaso kumpara sa 183 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping, at motornapping. Bumaba rin ng 11.02 porsiyento ang kabuuang...

Unang witness sa impeachment trial walang personal na kaalaman sa ‘hitman’ ni VP Sara

0

MANILA, Philippines - Inamin ng National Bureau of Investigation (NBI) Senior Agent na si John Mark Calilung na wala siyang personal na kaalaman tungkol sa umano'y hitman na sinasabing inupahan ni Vice President Sara Duterte upang patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang indibidwal. Sa ikatlong araw ng impeachment trial, sinabi ni Calilung sa ilalim ng cross-examination ni...

PH dollar reserves umakyat sa 3-buwang pinakamataas

0

MANILA, Philippines - Umabot sa $104.803 bilyon ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas noong Hunyo, mas mataas kaysa $103.987 bilyon noong Mayo at pinakamataas sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang GIR ay sukatan ng kakayahan ng bansa na magbayad ng angkat (imports) at utang panlabas. Sa kasalukuyan, sapat ito upang tustusan ang...

“Blood” remark ni VP Sara “clickbait” lang, ‘di sagot sa mga kaso sa impeachment – Ortega

0

MANILA, Philippines - Inihalintulad ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ang maikling pagpapakita ni Vice President Sara Duterte sa Senate complex sa "clickbait," na sinasabing nakakuha ito ng atensyon ngunit hindi tumugon sa mga akusasyon laban sa kanya sa impeachment trial. Nagpakita si Duterte sa Senado nitong Martes ngunit hindi pumasok sa session hall, sa halip, nagbigay siya ng isang...