Home METRO Pulis utas sa drug ops sa Cavite

Pulis utas sa drug ops sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Isang miyembro ng Philippine National Police ang namatay makaraang barilin ng isa sa apat na drug suspek sa isang buybust operation sa Barangay San Esteban, Dasmariñas City, Cavite.

Sa nakalap na report mula sa pulisya, Kinilala ang biktima na si Police Corporal Anthony John Martinez, nakatalaga sa Regional Police Drug Enforcement Unit-4A (RDEU) na idineklarang dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama na baril sa katawan.

Naaresto naman ang lider­ ng Drug Group na si Jeffrey Alejos alyas “Jun”, 42-anyos.

Base sa ulat ng pulisya,  dakong alas-11:40 ng gabi ng lunes. nangyari ang madugong engkuwentro sa kahabaan ng Nido Street sa nasabing  lugar kung saan nagsasagawa ng buybust operation ang mga operatiba.

Si Alejos na lider ng grupo ay kasama High-Value drug personality na nasa listahan  ng pulisya at pangunahing target ng nasabing buy-bust operation.

Kasama rin sa naarestong suspek si alyas Nalos, Asera, at isa pa na may iba’t ibang alyas na Geston, Keith, Lendy, Baldos Andrada na nakatakas sa insidente habang  kasalukuyang

nagsasagawa ng manhunt operation ang tracking team ng Dasmariñas Police.

Napag alaman na bago naganap ang  engkuwentro, nagtungo si Cpl. Martinez (biktima) kasama ang confidential informant at iba pang operatiba sa hideout ng mga suspek na sina alyas “Andrada” at alyas “Asera” upang magsagawa ng buy-bust operation.

Isang pulis na si Staff Sergeant Franz Zorilla, ang umaktong poseur buyer para bumili ng shabu kay alyas Alejos kapalit ng isang sachet na naglalaman ng shabu na may halagang P1,000 na bust money.

Linggid sa kaalaman ng pulisya na naghinala ang isa sa apat na suspek, kung kaya agad bumunot si alyas­ Andrada ng baril at malapitan pinagbabaril ang pulis na si Cpl Martinez.

Tatlong suspek ang naaktuhang nagpopot session sa lugar na mabilis na nakatakbo habang minalas na nadakip si alyas Alejos.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang (7) pitong plastic sachet ng shabu na hindi pa matukoy ang halaga. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here