Nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, umabot na sa 24
PAMPANGA, Philippines - Umabot na sa 24 ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng isang gusaling itinatayo sa Barangay Balibago, Angeles City, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon nitong Miyerkules. Sa update ng BFP Central Luzon, isa pang bangkay ang nakuha mula sa gumuhong istruktura bandang 10:57 a.m. habang nagpapatuloy ang search, rescue, at retrieval operations. “Another...
4 utas sa shootout sa BARMM
COTABATO, Philippines - Apat na katao, kabilang ang isang menor de edad, ang nasawi habang apat pa ang sugatan sa isang umano’y barilan na may kaugnayan sa ilegal na bentahan ng droga sa Kadayangan, Special Geographic Area (SGA) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong Martes ng umaga. Ayon sa Police Regional Office–BARMM (PRO-BAR), ang mga nasawi ay...
Ex-DPWH Sec. Bonoan, inilipat sa pribadong ospital – PNP
MANILA, Philippines - Inilipat sa isang pribadong ospital ang dating Secretary ng Department of Public Works and Highways na si Manuel Bonoan mula sa Philippine National Police – General Hospital (PNP-GH), kinumpirma ng PNP nitong Miyerkules. Ayon kay PNP public information chief Col. Allen Rae Co, sa isang press briefing sa Camp Crame, isinagawa ang paglipat kay Bonoan noong Martes...
Mandatory certification para sa mga solar power products, iminungkahi ng DTI
MANILA, Philippines - Iminumungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) na gawing mandatory ang certification para sa mga solar power system products na ibinebenta sa Pilipinas. Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Roque, layunin ng panukala na tiyakin na ang mga solar energy system ay sumusunod sa Philippine National Standards (PNS) upang masiguro ang kaligtasan, tibay, at kalidad ng...
Cayetano-led Senate, nakakasuklam, makasarili – Lacson
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Senador Panfilo Lacson sa kasalukuyang liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano na hindi pumapasok sa Senado simula noong Lunes sa kabila ng malapit nang magsara ang sesyon ngayon, Miyerkoles. Sa panayam, sinabi ni Lacson na sobrang kasuklam-suklam at selfish ang pamumuno ni Cayetano na pangunahan ang boycott ng mayorya sa regular...
Kelot, natagpuang dedo, may tama ng bala sa ulo
CEBU, Philippines - Isang 39-anyos na lalaki ang natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo sa dalampasigan ng Sitio Ratan, Barangay Tangke, Talisay City bandang madaling-araw noong Miyerkules, Hunyo 3. Kinilala ang biktima bilang si Julius Cabradilla matapos makumpirma ng kanyang 29-anyos na kinakasama ang kanyang pagkakakilanlan batay sa suot nitong damit. Ayon sa kanyang partner, huli niya itong...
US Assistant Secretary of State, bibisita sa Pilipinas, iba pang bansa sa Asia
MANILA, Philippines - Bibiyahe sa iba’t ibang bansa sa Asia, kabilang ang Pilipinas, si United States Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Michael George DeSombre mula Mayo 31 hanggang Hunyo 10. Ayon sa US Bureau of East Asian and Pacific Affairs, dadalaw siya sa Indonesia, Timor-Leste, Brunei, at Pilipinas upang makipagpulong sa mga opisyal ng gobyerno...
Remulla, humingi ng paumanhin matapos mapataas boses kay Cayetano
MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla matapos niyang mapataas ang kanyang boses kay Senate President Alan Peter Cayetano sa gitna ng pag-aresto kay Senator Jinggoy Estrada sa loob ng Senado. Ayon kay Remulla, hindi personal ang kanilang naging pagtatalo at nanatili siyang kalmado habang ipinapatupad ang arrest warrant. Aniya, isang beses lamang...
P12.69M tobats nasamsam sa Iloilo City; 69 suspek, naaresto sa 61 ops
ILOILO, Philippines - Ayon sa Iloilo City Police Office (ICPO), umabot sa ₱12.69 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na kanilang nasamsam noong Mayo sa iba’t ibang anti-illegal drug operations sa Iloilo City. Sa ulat ng ICPO, nagsagawa sila ng 61 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 69 suspek at pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 1.86 kilo ng shabu. Pinakamalaking nakuhang droga ay...
DOE: Taas-singil sa kuryente ng Meralco, asahan ngayong Hunyo
MANILA, Philippines - Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na inaasahang mas mataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Hunyo kumpara noong nakaraang buwan dahil sa sunod-sunod na yellow at red alerts sa Luzon noong Mayo. Ayon kay Garin, napilitan ang Meralco na gumamit ng mas mahal na pinagkukunan ng kuryente, kabilang ang mga planta na gumagamit ng liquefied...












