Home OPINION SUPERBAGYONG INDAY AT SALUDO KAY EALA

SUPERBAGYONG INDAY AT SALUDO KAY EALA

2
0

MAGPAPASALAMAT tayo sa Diyos at kahit papaano, iniligtas tayo na maging sentro ng superbagyong Inday na kasinglakas at kasing bagsik umano ni superbagyong Yolanda na sumalanta sa Kabisayaan noong Nobyembre 2013.

Batay sa rekord, nagkaroon si Yolanda ng katamtamang bilis ng hangin na 315 kilometro kada oras at bugsong 379 kilometro kada oras na ikinamatay ng mahigit 6,000 ikina-missing ng halos 2,000 katao.

Kabilang tayo sa mga nakasaksi sa pinagdaanan ng bagyo sa Samar at Leyte nang maghatid tayo ng tulong, kasama ang National Press Club at iba pang nagmalasakit sa mga biktima noon.

SIGNAL NO. 4 SA BATANES AT HABAGAT

Pasok na si superbagyong Inday, Bavi ang ngalang internasyunal, sa Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ngunit titirahin ng signal number 4 nito ang Batanes.

Tatamaan ng iba pang signal nito ang malaking bahagi ng Luzon, lalo na sa parteng silangang bahagi ng bansa gaya ng Cagayan, Isabela, Quezon at Kabikulan.

Ang inaasahang isang bentahe, mapupunan nang kaunti ang kritikal nang laman ng mga dam, partikular ang Angat Dam, na pinagmumulan ng mahigit 90 porsyento ng tubig-inumin ng 15 milyong residente ng Metro Manila at ibang milyones pa sa mga lalawigan ng Rizak, Cavite at Bulacan.

Kahit signal number 4 lang ang para sa Batanes at mas mababang signal ang tatama sa ibang bahagi ng bansa, dapat mag-ingat at maghanda pa ring lahat.

Nririyan pa rin ang mga baha at landslide.

Alalahanin, mga Bro, palalakasin umano ni Inday ang habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan at pagbaha sa maraming bahagi ng bansa at kakambal nito ang tag-ulan sa pagpaparating mga pag-ulan na may kulog at kidlat.

Itong mga habagat at tag-ulan, ay parehong mapanganib din sa buhay at ari-arian.

WIMBLEDON CHAMP SWIATEK BINAGYO NI EALA

Mahilig tayo sa sports at kasama sa pinananatili nating buhay na buhay sa mahal kong Pinas ang bowling.

Kaya naman, lahat ng iba pang sports ay ating sinusubaybayan, lalo na ang mga larangang doon pinabobongga nang husto ang ngalan ng ating bayang Pilipinas.

Hindi maikakaila ang dangal ng bansa sa boxing na iniangat nina Flash Elorde at 8-belt champion Senador Manny Pacquiao.

Naririyan din si Rafael “Paeng” Nepomuceno na idineklarang Greatest International Bowler of All Time ng Bowlers Journal International dahil sa mga panalo nitong 6-time World Bowling Champion at 4-time World Cup winner.

Nandiyan din si Olivia “Bong” Coo na 4-time World Champion, 3-time World Cup Champion at 78-time international medalist kaya tinanghal siyang “most decorated Filipino athlete of all time.”

Ngayon, nasa tugatog ng larong tennis sa Wimbledon itong si Alex Eala na tumalo na sa defending champion na si Iga Swiatek.

Unang Pinoy si Eala na pumasok sa Wimbledon singles main draw at makasaysayan ito.

Isa na naman itong karangalan ng mahal kong Pinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here