Sabwatan sa pagtakas ni Sen. Bato, ‘di pa sapat ang ebidensya – DOJ
MANILA, Philippines - Hindi pa sapat ang ebidensya para sabihing may sabwatan sa pagtakas si Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa Mula sa Senado matapos ang nangyaring putokan noong Mayo, ayon sa Department of Justice (DOJ). Ayon kay DOJ Usec. Ian Norman Dato na kailangan pa ng imbestigasyon dahil hindi pa hinog ang kaso. Aniya, ipauubaya muna sa panel of prosecutors ang...
Hontiveros umaasang mas maraming senador susuporta sa Anti-Political Dynasty Bill
MANILA, Philippines - Umaasa si Sen. Risa Hontiveros na mas marami pang senador, kabilang ang mga mula sa political families, ang susuporta sa pagpasa ng bersyon ng Senado ng Anti-Political Dynasty Bill. Ayon kay Hontiveros, sa unang pagkakataon ay isang-katlo ng mga senador ang naghain ng mga panukalang laban sa political dynasty. Sinabi rin niya na sina Sen. JV Ejercito at...
Pagbabantay sa online groups na target mga menor de edad, paiigtingin ng PNP
MANILA, Philippines - Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa mga online site at transnational online groups na umano'y nanghihikayat sa mga menor de edad na sumali sa marahas na ekstremismo. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na palakasin ang cyber monitoring at cyber patrolling, katuwang ang iba pang...
Hirit ni Lagdameo na strong national-local gov’t partnership suportado ng BARMM leaders, governors
COTABATO CITY, Philippines – Nagpahayag ng buong suporta ang mga pangunahing lider ng Bangsamoro, kabilang ang lahat ng limang gobernador ng rehiyon, sa panawagan ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr. na palakasin ang ugnayan at pagtutulungan ng pambansang pamahalaan at mga lokal na stakeholder. Binigyang-diin ni BARMM Local Government Minister Jordan Bayam na mahalaga ang ganitong uri...
Senado nagsagawa ng pagdinig sa Oil Deregulation Law, oil reserve
Pinangunahan ni Senator Erwin Tulfo ang isang pinagsamang pagdinig ng mga komite ng Senado sa Energy, Trade, Commerce and Entrepreneurship, Ways and Means, at Finance sa Senado sa Pasay City noong Huwebes. Tinalakay sa pagdinig ang mga panukalang naglalayong amyendahan ang Oil Deregulation Law at magtatag ng pambansang reserba ng gasolina at petrolyo upang patatagin ang seguridad sa enerhiya ng...
DOH, pinaalalahanan mga pribadong komunidad sa patient privacy sa kaso ng mpox sa Mandaluyong
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga pribadong komunidad at condominium na protektahan ang privacy ng mga pasyente matapos maglabas ng advisory ang isang condominium sa Mandaluyong tungkol sa residenteng nagpositibo sa mpox. Ayon sa DOH, hindi na kailangang ipahayag sa publiko ang ganitong impormasyon. Sinabi ni DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo, "Hindi po namin nakita...
Higit 85 baboy biglang namatay sa South Cotabato
SOUTH COTABATO, Philippines - Mahigit 85 baboy ang biglaang namatay sa nakalipas na dalawang linggo sa Barangay Moloy, Surallah, South Cotabato, kaya naghigpit ang mga awtoridad sa pagbiyahe ng mga buhay na baboy at produktong baboy sa lugar. Kukuha ng blood samples ang mga tauhan ng agrikultura mula sa mga may sakit na baboy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay...
3 trak ng basura nakolekta matapos ng INC rally sa EDSA
MANILA, Philippines - Hindi bababa sa tatlong truck ng basura ang nakolekta ng Quezon City Department of Sanitation and Cleanup Works at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang rally ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) malapit sa EDSA People Power Monument nitong Huwebes. Ayon sa ulat, nakolekta ang mga basura sa White Plains Avenue, People Power Monument,...
2 studes nahulihan ng ‘damo’ sa paaralan sa Mandaluyong
MANILA, Philippines - Dalawang estudyante, kabilang ang isang 17-anyos na lalaki, ang nahulihan ng hinihinalang high-grade marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P60,000 sa isang pampublikong paaralan sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nadiskubre ang mga hinihinalang ilegal na droga matapos magsagawa ng classroom search ang isang guro dahil sa ulat ng nawawalang...
Poultry farm sa Cagayan nasunog
CAGAYAN, Philippines - Nasunog ang isang air-conditioned poultry farm sa Barangay Nangalisan, Solana, Cagayan nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog bandang 6:30 a.m. sa Maristel Poultry House at tuluyang naapula dakong 8:15 a.m. Paunang imbestigasyon ng pulisya ang nagsasabing posibleng faulty electrical wiring ang naging sanhi ng sunog. Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa insulation foam...












