Crime at drug syndicate sa North Cotabato, nasawata ng PNP

0

MANILA, Philippines - BINUWAG ng Philippine National Police (PNP) ang umano'y gunrunning at illegal drug syndicate matapos ang isang intelligence-driven operation sa Barangay New Panay, Aleosan, North Cotabato noong Hunyo 29. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ikinasawi ng operasyon si Muhamad Taparan Pasandalan at naaresto si Montaser Masempal Pandita, 33, na umano'y nakitang may dalang 9mm...

Mayor Isko: Pag INC nagra-rally, wala akong kaba

0

MANILA, Philippines - SINABI ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na wala siyang pangamba tuwing nagsasagawa ng rally ang Iglesia Ni Cristo (INC) dahil sa maayos na rekord ng grupo sa kanilang mga pagtitipon. Ginawa ng alkalde ang pahayag habang ikalawang araw ng pagtitipon ng INC sa Liwasang Bonifacio, kung saan mas kaunti na ang mga kalahok kumpara sa...

PNP, aprub sa sapilitang bag inspection sa mga paaralan

0

MANILA, Philippines - SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang ipatupad ang mandatory bag inspection sa mga paaralan sa buong bansa upang higit na mapalakas ang seguridad sa mga campus. Ayon sa PNP, ang panukala ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ni Interior Secretary Jonvic Remulla, na paigtingin ang mga hakbang para sa...

DFA: Walang Pilipinong naiulat na nasawi sa lindol sa Venezuela

0

MANILA, Philippines - WALANG naiulat na Pilipinong nasawi, nasugatan, o nawawala matapos ang malalakas na lindol na tumama sa Venezuela noong Hunyo 24, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules. Ayon sa DFA, patuloy na mino-monitor ng Philippine Embassy in Bogota ang sitwasyon sa Venezuela, kung saan may hindi bababa sa 74 na Pilipino, karamihan ay mga religious...

Grade 11, nahulihan ng patalim sa iskul sa Lucena

0

MANILA, Philippines - KINUMPIRMA ng isang pribadong paaralan sa Lucena, Quezon na nakuhanan ng patalim ang isang Grade 11 student sa loob ng campus, ngunit pinabulaanan nito ang kumakalat na ulat sa social media tungkol sa umano'y tangkang pananaksak na kinasangkutan ng dalawang estudyante. “We deeply regret that a bladed-weapon found its way into the school premises, against institutional policy...

2 estudyante tinarakan ng kaklase sa iskul sa Zamboanga City

0

ZAMBOANGA - SUGATAN ang dalawang estudyante matapos silang umano'y saksakin ng kanilang kaklase sa Cabaluay National High School sa Zamboanga City nitong Miyerkules ng umaga. Ayon sa pulisya, nagdala ng kutsilyo ang 17-anyos na Grade 11 na suspek bilang proteksyon umano sa sarili dahil palagi raw siyang bina-bully ng dalawang biktima.Nagtamo ng sugat sa ulo ang isa sa mga biktima...

Grade 10, nahulihan ng baril at mga bala sa iskul sa Iloilo

0

MANILA, Philippines - NAKUHA ng mga awtoridad ang isang .38 caliber revolver na may anim na bala sa loob ng bag ng isang Grade 10 student sa isang paaralan sa Barotac Nuevo, Iloilo nitong Martes. Ayon sa Barotac Nuevo Police, agad na iniulat ng mga opisyal ng paaralan ang insidente matapos matagpuan ang baril. Agad namang rumesponde ang mga pulis...

Permit ‘di kailangan sa pagtitipon sa Liwasang Bonifacio — Manila admin

0

MANILA, Philippines - HINDI na kailangan ng permit ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) para magsagawa ng mapayapang pagtitipon sa Liwasang Bonifacio dahil isa itong itinalagang Freedom Park. "Liwasang Bonifacio is a government-designated Freedom Park. As such, the Iglesia ni Cristo (INC) does not need to secure a permit to assemble peacefully in the area," ayon kay Manila...

#WalangPasok sa Maynila dahil sa INC rally

0

MANILA, Philippines - SINUSPINDE ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila ngayong Huwebes, Hulyo 2, 2026, dahil sa inaasahang paglipat ng protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio. Sa kanyang social media post, sinabi ni Moreno na ginawa ang suspensyon bilang paghahanda sa inaasahang...

INC, lipat-protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila; QC umayaw na

0

MANILA, Philippines - INANUNSYO ng Iglesia ni Cristo (INC) nitong Miyerkules na ililipat nito ang protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Ito ay matapos bawiin ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang permit ng kanilang rally para sa Hulyo 2. “We will go to the place where we can gather, without the need to secure a permit. Let...