WPS joint military exercise idaraos ng PH, US, Canada at Australia

0

MANILA, Philippines - Nakatakdang magsagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea ang Armed forces ng United States, Australia, Canada, at Pilipinas sa darating na Miyerkules at Huwebes. Sa joint statement, nagkasundo ang defense at military chiefs ng apat na mga bansa para palakasin ang regional at international cooperation para sa libre at bukas na Indo-Pacific. “Our combined armed...

Paglapastangan sa ‘Last Supper’ sa Olympics tugunan ng pagmamahal – Obispo

0

MANILA, Philippines - Hinikayat ng isang Obispo ang mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig bilang mga anak ng Diyos sa isyu ukol sa mistulang paggaya sa Last Supper sa Olympics.Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo.Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay sa ginawang paglalarawan...

P5M iligal na droga nasabat, 153 nadakma sa Central Luzon buy-bust

0

Nasa P5,339,766.52 halaga ng iligal na droga ang nasamsam habang 153 indibiduwal ang nahuli sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Central Luzon (CL). Sa report ni PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, ikinasa ang kabuuang 111 operasyon ng pulisya na nakahuli ng 153 indibiduwal nitong Hulyo 29 hanggang Agosto 4, taong kasalukuyan. Ayon kay Hidalgo, aabot sa 646.35 grams...

Kelot tinaga ni kuya sa ulo

0

PANGASINAN-Nasa ospital ngayon ang isang 60-anyos na lalaki matapos na tagain sa ulo ng panabas ng kanyang 63-anyos na kapatid sa Brgy. Sta. Maria West, San Nicolas ng lalawigang ito nitong Lunes ng umaga, Agosto 5. Nagkasalubong ang dalawa sa daan papunta sa bukid ng suspek at nagkasagutan hanggang sa tagain ng suspek sa ulo ng panabas ang biktima. Mabilis na...

P88 promo fare alok ng Cebu Pacific

0

MANILA, Philippines - Inanunsyo ng budget carrier na Cebu Pacific ang one-way base na pamasahe para sa mga domestic at international flight na kasingbaba ng P88, bilang bahagi ng 8.8 o August 8 sale nito. Sa isang advisory, sinabi ng carrier na ang mga pampromosyong pamasahe, maliban sa mga bayarin at surcharge, ay magiging available mula Miyerkules, Agosto 7, hanggang...

Bahagi ng Bontoc-Kalinga Road isinara sa landslide

0

MANILA, Philippines - Pansamantalang isinara sa trapiko ang isang bahagi ng Bontoc-Kalinga Road sa Sadanga, Mountain Province dahil sa landslide matapos ang malakas na pag-ulan nitong Martes. Nagpapatuloy ang clearing operation ngayong Miyerkules. Sinabi ng PAGASA na ilang lugar sa bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Miyerkules dahil...

4 suspek nalambat sa higit ₱.8M tobats sa Taguig

0

Arestado ng mga miyembro ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) sa pakikipagkoordinasyon sa District Intelligence Division (DID), Philippine Drug Enforcement Agency-Southern District Office (PDEA-SDO), District Special Operations Unit (DSOU), District Mobile Force Battalion (DMFB), at ng Sub-Station 10 ng Taguig City Police Station ang apat na suspects sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig Martes ng...

DepEd chief Angara kinumpirma na ng CA

0

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkules ang ad interim appointment ni dating Senador Sonny Angara bilang kalihim ng Department of Education (DepEd). Ito ay matapos iendorso ng CA committee on education ang appointment ni Angara. Pinalitan ni Angara si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary noong Hulyo. Inihayag ni Duterte ang kanyang pagbibitiw bilang DepEd...

Suspek napikon sa paulit-ulit na tanong kung ba’t ‘di pa siya ikinakasal; kapitbahay pinatay sa bugbog

0

MANILA, Philippines - Umamin ang isang 45-anyos na lalaki sa Indonesia sa pagpatay sa kanyang 60-anyos na kapitbahay matapos na ma-offend at makulitan sa pagtatanong ng biktima kung bakit hindi pa rin ikinakasal ang suspek. Iniulat ng Indonesian media na ang insidente ay naganap sa South Tapanuli regency, na matatagpuan sa North Sumatra, noong Hulyo 29. Kinilala ang biktima na isang...

P1,000 cash gift sa matatandang may birthday sa Muntinlupa, fake news

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City sa publiko na fake news ang kumakalat na pamamahagi umano nila ng P1,000 na regalo sa kaarawan sa mga residenteng 70 hanggang 79 taong gulang. Napansin ng pamahalaang lungsod na kasalukuyan lamang itong nagsasagawa ng mga survey sa mga matatandang residente nito upang ayusin ang database ng lungsod. “Kung mayroon...