Standhardinger itinapon ng Ginebra sa Terrafirma

0

Patungo na ngayon si Fil-German Christian Standhardinger sa kanyang ikaapat na koponan sa kanyang buong karera sa PBA matapos i-trade ng Barangay Ginebra sa Terrafirma kasama si Stanley Pringle noong Sabado. Sa kabila nito, nagpahayag ng pasasalamat at pagmamahal sa Ginebra ang 35-anyos na beterano matapos ang desisyon ng pamunuan ng Ginebra. "Kinikilala ko ang desisyon ni Coach Tim na ipagpalit...

Mahigit 100 kalahok sa Palarong Pambansa, naospital;  mga magulang, nangamba

0

Maraming magulang ang nagpahayag ng pangamba para sa kaligtasan ng kanilang mga anak na sumasabak sa 2024 Palarong Pambansa sa Cebu City. Ayon sa kanila na ramdam nilang hindi safe ang kanilang mga anak dahil sa mahigit 100 atleta ang dinala sa ospital bunsod ng iba’t ibang dahilan. Sinabi ni  Rhoel Dejaño, pangkalahatang pinuno ng medical panel ng mga laro, na...

Lalaki na wanted sa murder, arestado sa Caloocan

0

MANILA, Philippines - BAGSAK sa selda ang isang lalaki na wanted sa kasong murder matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City. Sa ulat ng District Special Operation Unit (DSOU) kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng 27-anyos na lalaki na resident ng Valenzuela City at kabilang...

Nanitang pulis tinangkang sagasaan ng rider

0

MANILA, Philippines - ARESTADO dalawang lalaki matapos tangkain sagasaan ang pulis na humarang sa kanila nang hindi huminto matapos parahin sa police checkpoint habang magkaangkas sa motorsiklo sa Valenzuela City, Sabado ng madaling araw, Hulyo 13. Bahagya lang nakaiwas sa rumaragasang motorsiklo si P/SSg. Melvic Lunas ng Marulas Police Sub-Station -3 kaya’t inabot pa rin ang kanyang kanang pulso na...

Nationwide rice price monitoring inilunsad ng gobyerno

0

MANILA, Philippines - INILUNSAD ng gobyerno ang nationwide rice price monitoring para i-assess ang epekto ng rice tariff reduction sa buong supply chain, mula importers hanggang retailers. Sa katunayan, ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA), ay naglunsad ng 'extensive price monitoring initiative' sakop ang malawak na saklaw ng retail markets, kabilang na...

Magkapatid na nagbibisikleta, patay sa balasik ng kidlat

0

MANILA, Philippines - Patay ang menor de edad na magkapatid makaraang tamaan ng kidlat habang nagbibisikleta sa Brgy. Tapia, Gen Trias City, Cavite. Isinugod pa ang magkapatid na alyas Gerald, 14 at alyas Renzo, 15, sa Gen Trias Medicare Hospital subalit idineklarang dead on arrival. Sinasabing isa pang lalaki at isang babae ang nasugatan dahil din sa kidlat. Batay na nakalap na...

Toxic red tide naitala sa Bohol, 3 iba pang lugar

0

MANILA, Philippines - Naitala sa ilang bahagi ng Bohol at tatlo iba pang lugar ang toxic red tide, ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) nitong Biyernes, Hulyo 12. Sa shellfish bulletin ng ahensya, nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na higit sa regulatory limit ang mga lamang-dagat mula sa coastal waters ng...

P7.8M shabu nasamsam sa Sampaloc, Maynila

0

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P7.8 milyon ang nakumpiskang iligal na droga na katumbas ng 1.1 kilo sa buy bust operation sa isang bahay sa Sampaloc, Maynila nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 12. Naaresto naman sa operasyon ang isang lalaki na nagbebenta ng hinihinalang illegal na droga na nakilalang si Richmon Brown y Soriano, 33 anyos. Ayon kay PLtCol. Brillante...

Sakripisyo ng Pinoy nurses pinuri ni Sen. Tolentino; PH Nursing Act of 2022 isinusulong

0

Pinuri ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy Nurses hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibat ibang sulok ng mundo. Ayon kay Tolentino kilala ang mga Pinoy Nurses pagdating sa maayos na serbisyo at magaling na pag aasikaso sa mga pasyente hindi lamang sa sariling bansa maging sa ibayong dagat. Ipinunto pa ni Tolentino na kahit noon...

P11M pinsala sa agrikultura sa Negros naitala sa armyworms

0

MANILA, Philippines - Iniulat ng probinsya ng Negros Occidental ang P10.8 milyong halaga ng pinsala sa mga tanim na mais dahil sa armyworm sa 38 barangay sa loob lamang ng isang buwan. Sinabi ng Office of the Provincial Agriculturist na nasa 1,117 magsasaka at 753.38 ektarya ng maisan ang apektado ng pamemeste ng armyworm mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 1. Naitala...