Chinese crew ng nahuling barko sa Zambales kinasuhan ng PCG

0

MANILA, Philippines- Nahaharap sa mga kaso dahil sa umano'y paglabag sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas at pagsuway sa mga awtoridad ang pitong Chinese crew ng isang dayuhang barko na naharang ng mga awtoridad sa baybayin ng San Felipe, Zambales, eksaktong isang buwan na ang nakalilipas, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Naghain ang PCG ng kasong paglabag sa...

Kasambay na nagtangkang tumakas sa amo nahulog mula sa ika-5 palapag, patay!

0

LUCENA CITY, Quezon- Patay ang isang 36-anyos na kasambahay matapos mahulog mula sa ika-limang palapag ng bahay ng kanyang amo nitong Sabado ng hapon, sa Barangay Ibabang Dupay, sa lungsod na ito. Kinilala ng mga pulis ang biktimang si Marites, may kinakasama, at residente ng Sitio Abukaduhan, Barangay Munting Parang, Tagkawayan, Quezon. Batay sa imbestigasyon, nabasag ang nilalakaran ng biktimang fiberglass...

DOH: Wala pang napatutunayang epektibong lunas sa dengue

0

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng department of Health (DOH) ang publiko na wala pang magagamit na gamot para sa dengue na napatunayang mabisa at sinuportahan ng pag-aaral. Ginawa ng DOH ang paalala sa gitna ng patuloy na pagsubaybay sa mga kaso ng dengue sa bansa. Sa kasalukuyan, sinabi ni DOH medical officer Dr. Kim Patrick Tejano sa isang media conference na walang...

PH, US nagsagawa ng live-fire exercise sa Zambales, Ilocos Norte

0

MANILA, Philippines- Nagsagawa ang mga sundalo ng Pilipinas at ng United States ng live fire exercise sa Zambales at Ilocos Norte bilang bahagi ng taunang Marine Aviation Support Activity (MASA). Inihayag ng I Marine Expeditionary Force (I MEF) nitong Linggo na nagsagawa ang units mula sa US Marine Corps (USMC) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng live-fire...

Presensya ng PCG sa Bajo de Masinloc hirit ng mga mangingisdang Pinoy

0

MANILA, Philippines- Hinihiling ng mga mangingisdang Pilipino ang presensya ng coast guard ng bansa habang nangingisda sila sa Panatag Shoal kasunod ng banta ng China na maaari nitong iditine ang “foreign trespassers” sa loob ng legal na teritoryo ng Pilipinas. Ayon kay Tropical Fish Gatherer Association president Joeffrey Elad, magiging mainam ang pagsama ng Philippine Coast Guard, dahil nangangamba ang...

Dayuhang may ‘kuwestiyonableng’ citizenship inaresto ng BI

0

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang paalis na pasaherong dayuhan na pinaniniwalaang Chinese national na nagbabalatkayo bilang isang Vanuatu national. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na isang Alex Cooper, 43, may hawak ng Vanuatu passport, ang naharang sa NAIA 3 terminal noong Hunyo 11 bago siya...

Acuzar: Pinas ‘on-track’ sa paglutas sa 6.5M housing backlog

0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nasa tamang daan ito para itulak ang layunin na tugunan ang 6.5 milyong backlog sa pabahay bago pa matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito'y dahil sa mas maraming pribadong contractors at developers ang nangako na mamumuhunan sa mass housing. Sa kasalukuyan, sinabi ni DHSUD Secretary...

Tapyas-presyo sa singil sa kuryente ngayong Hunyo ipatutupad ng Meralco

0

MANILA, Philippines- Asahan na ng mga tahanan na sineserbisyuhan ng Manila Electric Co. (Meralco) ang P1.9623 per kilowatt-hour (kWh) na bawas sa kanilang electricity bills ngayong buwan. Sa abiso nitong Linggo, sinabi ng Meralco nagresulta sa pagtapyas sa power rates ang implementasyon ng hati-hating koleksyon ng generation costs mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). “In its order promulgated on June...

Pagkakasama ng PH sa ‘worst countries’ para sa mga manggagawa pinalagan ng DOLE

0

MANILA, Philippines- Binatikos ni Labor Secretary Bienvenido ang pagsama ng Pilipinas sa listahan ng International Trade Union Confederation (ITUC) ng nangungunang 10 pinakamalalang bansa para sa mga mangaggawa, na sinabing ito ay hindi makatwiran at hindi sumasalamin sa aktuwal na sitwasyon sa bansa. “Nakakalungkot at hindi katanggap-tanggap ‘yun pong nabanggit na ipinagkaloob na rating ng ITUC sa ating bansa, dahil...

‘Anti-vax campaign’ ng US military kailangang talupan – DOH

0

MANILA, Philippines- Nararapat na imbestigahan ang umano’y “secret campaign” na inilunsad ng US military sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 na naglalayon umanong siraan ang Sinovac vaccine ng China sa Pilipinas, sinabi ni Departmemt of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo nitong Linggo. Iniulat kamakailan ng na sa panahon ng pandemya, nilayon ng US na maghasik ng pagdududa tungkol...