PNP tikom-bibig kung pwede manatili si Bato sa Camp Crame
MANILA, Philippines - Tumangging magkomento ang Philippine National Police (PNP) sa umano'y paghiling ni Senador Ronald "Bato" Dela Rosa na manatili sa Camp Crame kasabay ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC). Nauna nang sinabi ni Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na tinanong ni Dela Rosa kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. kung maaari itong manatili sa...
Ombudsman Remulla kay Bato: Pagtakas indikasyong guilty
MANILA, Philippines - Sinita ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Biyernes, Mayo 15, sa paggamit sa Senado para takasan ang arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya at sinabing ang pagtakas ay indikasyong guilty ito. Ito ang tugon ni Remulla kaugnay sa pagpapasalamat ni Dela Rosa sa kanya ng...
Lacson sa bagong majority bloc: Panahon na sa paggawa ng tama, dignidad ibalik
MANILA, Philippines - Matapos naging pinakamalaking casualty ang Senado sa naganap na pamamaril sa gusali noong Miyerkules, panahon na para gawin ng mga senador ang tama upang maibalik ang dignidad ng institusyon, ani Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Biyernes, Mayo 15. Ayon kay Lacson, isang positibong hakbang pasulong ang nakatakdang pag-convene ng Senado bilang impeachment court para sa kaso...
ADB nag-alok ng $1.75B crisis support kay PBBM
MANILA, Philippines - Nakipagkita si Asian Development Bank (ADB) President Masato Kanda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang at sinabing handa ang ADB na magbigay ng hanggang $1.75 bilyon ng karagdagang pondo para suportahan ang Pilipinas na pangasiwaan ang epekto sa ekonomiya ng kaguluhan sa Middle East. “The Philippines is ADB’s home, and we see the strain this crisis...
Ex-ICI exec Hosaka balik bilang GCG commissioner
MANILA, Philippines - NAGBALIK si Brian Keith Hosaka, dating executive director at tagapagsalita ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), bilang commissioner ng Governance Commission for GOCCs (GCG). Nanumpa si Hosaka pra sa kanyang bagong tungkulin sa harap ni Executive Secretary Ralph Recto, araw ng Miyerkules, Mayo 13, 2026. Matatandaang, Setyembre 2025, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hosaka bilang executive...
SAR Exercise isinagawa sa Dolomite Beach
MANILA, Philippines - Matagumpay na naisagawa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Philippine Search and Rescue Exercise (SAREX) 2026 sa Dolomite Beach, Maynila. Sinimulan ang full-scale exercise alas-8 ng umaga, kung saan sinubok ang kakayahan ng rescue units sa simulated aircraft ditching incident sa Manila Bay. Ayon sa scenario, isang commercial aircraft mula Busuanga patungong...
Walang special treatment kay Bato – Aplasca
MANILA, Philippines - Walang special treatment para kay Senador Ronald "Bato" Dela Rosa, ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca nitong Biyernes, Mayo 15. Ito ay sa kabila ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa sa umano'y crimes against humanity. Si Aplasca, na naupo sa OSAA kasunod ng pagbibitiw ni retired Air Force Major General Rene Samonte,...
No-call kay Allen ng Cavs, pinagtibay ng NBA
Pinanindigan ng NBA na tama ang naging desisyon ng mga opisyal na hindi tawagan ng foul si Cleveland Cavaliers center Jarrett Allen sa dulo ng regulation ng Game 5 kontra Detroit Pistons. Nagkaroon ng kontrobersiya matapos magbanggaan sina Allen at Ausar Thompson habang hinahabol ang bola sa huling segundo ng laro noong Miyerkules. Ayon kay Pistons coach J.B. Bickerstaff, malinaw umano...
Hidilyn Diaz target mag-aral sa Europe, makatulong sa mas maraming atleta
Nais ng Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz na magpatuloy sa pag-aaral sa ibang bansa, at sinabing gusto niyang magpatuloy sa pag-aaral at makatulong sa mas maraming Pilipino. Binigyang-diin ni Diaz, na kasalukuyang nagtuturo ng weightlifting sa Unibersidad ng Pilipinas, ang kahalagahan ng patuloy na pag-aaral. Sinabi niya na iniisip niyang mag-aplay upang mag-aral sa isang paaralan sa Europa...












