Tropical Storm Nangka binabantayan sa labas ng PAR
MANILA, Philippines - Binabantayan ng PAGASA ang Tropical Storm Nangka na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Sa 10 a.m. update nitong Miyerkules, sinabi ng PAGASA na ang sentro ng bagyo ay nasa 2,080 kilometro silangan ng pinakahilagang bahagi ng Luzon batay sa 8 a.m. na obserbasyon. Taglay ng Nangka ang lakas ng hangin na 65 kph at pagbugsong...
DepEd nagpaalala sa mga guro na maging propesyunal sa paggamit ng social media
MANILA, Philippines - Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) nitong Martes, Agosto 12 sa mga guro na maging propesyonal sa paggamit ng social media. “The use of personal social media accounts does not, by itself, dispense with the professional and ethical standards applicable to DepEd personnel, particularly where the content is connected with the performance of their official functions, identifies...
Expiration ng poll service credits sa mga guro inalis ng Comelec
MANILA, Philippines - Maaari nang magamit ng mga guro ang service credits na nakuha nila sa election-related work nang anumang oras matapos nilang magawa ang tungkulin, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sa Resolution No. 11212-A, sinabi ng Comelec na kinikilala nito ang pangangailangan na amyendahan ang kautusan na nagsasabing ang mga guro ay kailangang magamit ang service credit nila...
Comelec naglunsad ng data privacy handbook
MANILA, Philippines - Inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang kauna-unahan nitong data privacy handbook sa Manila Cathedral nitong Martes, Agosto 11 upang palakasin ang proteksyon ng voters' information. Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, layon ng data privacy handbook na siguruhing ang bawat empleyado ay may gabay sa tamang paghawak ng impormasyon sa komisyon. "Para ma-emphasize sa lahat ng manggagawa...
Sen Villar, isinusulong agarang pag-alis ng ‘di makatarungang’ VAT sa system loss
Pasay City — Isinusulong ni Senator Mark A. Villar ang agarang pagtanggal ng 12-percent Value-Added Tax (VAT) na ipinapataw sa system loss charges sa singil sa kuryente, isang aspeto na hindi dapat buwisan ang mga consumer para sa kuryenteng hindi naman nila aktuwal na nagamit. Kaugnay dito ay inihain ni Senador Villar ang Senate Bill No. 2392 na naglalayong gawing...
Alien Employment Permit ng 6 Chinese national kinansela ng DOLE sa labor, safety violations
MANILA, Philippines - Kinansela ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Martes, Agosto 11 ang Alien Employment Permits ng anim na Chinese national sa umano'y illegal employment at labor and workplace safety violations. Ang anim na Chinese national ay iniuugnay sa ni-raid na steel facility sa Pampanga kung saan 10 ang nagpakita ng sintomas ng radiation exposure. Napag-alaman na ang...
China, Indonesian navy magdaraos ng drill sa silangan ng Taiwan
CHINA - Magdaros ng drill ang Chinese at Indonesian navies sa sensitibong katubigan sa silangan ng Taiwan, ayon sa defense ministry ng China nitong Martes, Agosto 11. Sa pahayag, sinabi ng defense ministry ng China na sa kalagitnaan ng Agosto ay magsasagawa ang Chinese navy warship ng isang joint "navigation exercise" kasama ang Indonesian navy ship sa katubigan sa silangan...
Raffy Tulfo nababahala sa panukalang Pax Silica site sa Tarlac
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pangamba si Senador Raffy Tulfo kaugnay sa planong Pax Silica site sa Tarlac. Sa privilege speech nitong Martes, Agosto 11 ay tinukoy ni Tulfo ang kaso ng Chuangxing Steel Incorporated, isang Pampanga-based manufacturing hub na nilusob ng mga awtoridad sa paggawa ng substandard na materyales. Aniya, sa kabila ng paulit-ulit na violation at paglabag sa environmental...
AFP sa pagkasawi ng 2 Chinese na mandaragat: Uphold lawful acts at sea
MANILA, Philippines - SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dapat na pinananatili ng anumang seafaring nation ang “professional” at international law-backed actions para mapigilan ang panganib ng aksidente o hindi inaasahang pagkawala ng buhay sa karagatan. Ang kalatas ay matapos na kumpirmahin ng Beijing ang pagkasawi ng dalawang mandaragat sa naging banggaan ng dalawang Chinese vessels habang...
5 arestado sa Parañaque drug ops; ₱850K tobats at baril, nasamsam
MANILA, Philippines - Arestado ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City police ang limang indibidwal, kabilang ang isang itinuturing na High-Value Individual (HVI), matapos makumpiskahan ng 125 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱850,000 at baril sa Parañaque City madaling araw ng Martes, Agosto 11. Sa isinumiteng report ng Parañaque City police sa Southern Police District (SPD)...












