SSS, GSIS hinimok ni Gatchalian sa pagpapautang sa pagbili ng e-vehicles

0

MANILA, Philippines - Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na magbukas ng pautang o loan upang matulungan ang kanilang mga miyembro na makabili ng electric vehicle (EV) sa gitna ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon sa kanya, ang hakbang na ito ay makakatulong nang malaki upang mapabilis...

Energy pivot ng ADB hinamon ng civil society organizations

0

UZBEKISTAN - Nanawagan ang NGO Forum on ADB at mga kaalyado nito sa Asian Development Bank (ADB) na iwasan ang mga mapanganib na energy development pathways na umano’y magpapalalim sa utang, fossil fuel dependence, nuclear risks at pinsalang dulot ng extractive industries. Sa isinagawang 59th Annual Meeting ng ADB sa Samarkand, sa Uzbekistan, sinabi ng grupo na mahalagang tiyakin ng...

Ceasefire epektibo pa rin kahit nagpalitan ng atake Iran at US – Trump

0

UNITED STATES - Ipinatutupad pa rin ang ceasefire sa kabila ng palitan ng pag-atake ng Estados Unidos at Iran. Ayon sa Iran ay agad namang bumalik sa normal ang sitwasyon, habang sinabi rin ng US na ayaw nitong lumala ang sitwasyon. Ani Trump, epektibo pa rin ang ceasefire. "It's just a love tap," sinabi ni Trump sa mga mamamahayag. "CENTCOM does not seek...

Sulfur dioxide emissions ng Bulkang Taal tumaas

0

MANILA, Philippines - Nakapagtala ng malaking pagtaas sa sulfur dioxide emissions ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes, Mayo 8. Sa pinakahuling 24-hour monitoring report, sinabi ng Phivolcs na nagbuga ang bulkan ng 653 metric tons ng sulfur dioxide nitong Huwebes na doble sa 308 metric tons na naitala sa nakalipas na araw. Nagbuga...

Waling-waling ipinadedeklarang national orchid ng Pilipinas

0

MANILA, Philippines - Inisponsoran ni Senador Loren Legarda ang hakbang na magdedeklara sa Waling-waling (Vanda sanderiana) bilang National Orchid of the Philippines. “This is not the first time that this representation has sought to elevate the Waling-waling to the level of a national symbol,” ani Legarda. “As early as 2012, I filed a measure proposing its declaration as an additional National...

Paglobo ng bill ng Meralco ‘di dahil sa 4Ps – Gatchalian

0

MANILA, Philippines - Idinipensa ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kritisismo ng publiko sa mataas na singil sa kuryente dahil sa kanila. “Una, fake news si Meralco. Hindi 4Ps ang rason kung bakit lumaki ang pag singil noong April. Yung bill shock na yun nanggaling...

Albay naka-alerto sa posibleng lahar flow sa papalapit na bagyo

0

MANILA, Philippines - Mahigpit na minomonitor ng Albay provincial government, sa pamamagitan ng Albay Public Safety Emergency Management Office (APSEMO), ang paparating na bagyo na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ngayong weekend at papangalanang Caloy. Sa panaya, sinabi ni APSEMO chief Oscar Robert Cristobal na naghahanda ang mga awtoridad sa posibleng lahar flow dahil sa volcanic deposits na...

1,148 SHS graduates nagkaroon ng trabaho sa Labor Day 2026 fairs

0

MANILA, Philippines - Na-hire on the spot ang nasa 1,148 Senior High School (SHS) sa nationwide Labor Day Job Fairs, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Huwebes, Mayo 7. Ito aniya ay nagpapakita ng employability at workforce readiness ng mga graduate sa ilalim ng K to 12 program. Ang mga bagong natanggap sa trabaho ay mula sa 11,000 SHS graduates...

CJ Hirro ‘person of interest’ sa umano’y tangkang pangingikil kay Romualdez – NBI

0

MANILA, Philippines - Tinukoy bilang person of interest ng National Bureau of Investigation (NBI) si Peanut Gallery Media Network (PGMN) anchor CJ Hirro sa umano'y tangkang pangingikil kay dating House Speaker Martin Romualdez. “Yung video na ginamit na clip, siya yung nandoon. Ipapatawag namin siya. We will go through the process,” sinabi ni NBI director Atty. Melvin Matibag nitong Huwebes,...