Home NATIONWIDE NGCP franchise bawiin – solon

NGCP franchise bawiin – solon

MANILA, Philippines – Nais ni Camarines Sur 2nd district Rep LRay Villafuerte na bawiin ang legislative franchise ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasunod ng pagtanggi nito na akuin ang responsibilidad sa naganap na power outage sa Western Visayas.

“Atonement or corrective action can take place only when preceded by an acceptance of some sort or level of lapse in judgement or action, so how can we expect the NGCP to reform its ways or do better in running our national transmission system if it thinks it is not guilty of anything in the performance of its critical job?” pahayag ni Villafuerte.

“Modifying or canceling its franchise seems the best course of action at this point, given that the NGCP has haughtily refused to accept responsibility for the three-day power cutoff,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa isang statement, una nang sinabi ng NGCP na ang kanilang mandato ay “transmission of power from producers to grid-connected areas of the country” at ang nangyaring power failure sa Panay island ay resulta ng “unplanned shutdowns ng mga power generators.”

“It is alarming to hear policymakers immediately make conclusions based on assumptions contrary to fact,” nauna nang pahayag ng NGCP.

Umalma ang NGCP sa naging paninisi sa kanila nang walang basehan.

“Rather than using NGCP as a scapegoat, we urge policymakers to be objective in their search for facts and not coddle certain sectors. This is not a time to push personal or political agendas, but a time for honest-to-goodness solution finding,” nakasaad sa statement na una nang ipinalabas ng NGCP.

Hindi naman nagustuhan ni Villafuerte ang paghuhugas kamay ng NGCP.

“with the NGCP’s “arrogance and cavalier attitude”, consumers should brace for more of these power crises in the future as the power concessionaire seems to see itself as faultless,” paliwanag ni Villafuerte.

Sinabi niya na dapat tanggalan na ng prangkisa ang NGCP at mapalitan ito ng transmission concessionaire na kayang magbigay ng mas magandang serbisyo. Gail Mendoza

Previous articleYesung ipinakita ang kulit at love for the fans sa ‘Unfading Sense’ in Manila!
Next articleDating EB, olats na naman sa ratings!