MANILA, Philippines – Lumitaw ang kulit, pagmamahal sa mga fans at pagiging totoo ng Super Junior member na si Yesung sa ginanap sa solo concert niya na ‘Unfading Sense’ in Manila.
Ang solo concert na ito na ipinresenta ng PULP Live Media, ay ginanap sa New Frontier Theater nitong Sabado, Enero 6.
Sa dalawang oras na show ay kinanta ni Yesung ang ilan sa kanyang mga hit songs katulad ng “Scented Things,” “Floral Sense,” “It Has To Be You,” “Beautiful,” at “Like Us.”
Nakisabay din ang mga fans sa pag-awit niya ng kantang “It Has To Be You” na OST ng K-drama na “Cinderella’s Stepsister.”
Sa concert, prangka pero with love na sinermunan ni Yesung ang mga fans na nakatutok na lang sa kanilang mga cellphone.
Aniya, ““You know earlier I came forward just because I wanted to make more eye contact with you closer. But there was something that really amazed me, lahat kayo you are not looking at my eyes kasi lahat kayo naka-cellphone.”
“80% of you tinitingnan ko kayo sa mata pero kayo lahat nakatingin lang sa cellphone ninyo… It’s not important that you video filming me, diba mas importante na magka-eye contact tayo? Earlier I told you ingatan natin ang ating mga mata. Paano kita titingnan sa mata lahat kayo nakatingin lang sa cellphone?,” pagpapatuloy ni Yesung.
Very sweet naman na nagpayo si Yesung sa mga fans na maaari namang mag-video pero most of the time, makipag-eye to eye sila sa kanya.
May pagkakataon din kung saan nag-joke si Yesung pero hindi halos naintindihan ng mga fans, kaya napasabi siya na sana ay marunong na lang siyang mag-Tagalog.
Very witty naman ang Super Junior member nang magsabing kung mag-iimbento lang siya ng teknolohiya, iimbentuhin niya ay isang ear pods na kayang makapag-translate ng Korean patungo sa Tagalog, at something na ilalagay sa bibig at kapag nagsalita siya ng salitang Korean ay awtomatiko itong mata-translate sa Tagalog.
Sa pagtatapos ng show, sinabi ni Yesung na paboritong destinasyon ng Super Junior ang Pilipinas dahil sa mainit na pagtanggap ng mga fans. Siniguro niya na bibisita siyang muli sa bansa.
“I have to make more of an effort to come see you more often. And I really wanted to sincerely thank you for supporting and coming to my concert. Please stay healthy until the time we meet again.”
Matapos ang Pilipinas, magtutungo naman si Yesung para sa kanyang solo concert sa Macau sa Enero 13. RNT/JGC