Home NATIONWIDE Buong pamilya nasagip ng PCG sa lumubog na motorbanca

Buong pamilya nasagip ng PCG sa lumubog na motorbanca

MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng local government unit (LGU) ang 12 pasahero ng lumubog na family motorbanca sa karagatan sakop ng Dapitan City, Zamboanga del Norte nitong Enero 7.

Habang naglalayag patungo sa Dapitan City mula Selinog Island, nang mamataan ng coast guard at LGU personnel ang mga indibidwal malapit sa lumubog na motorbanca at agad silang nagsagawa ng rescue operation.

Kabilang sa 12 mga pasahero ang dalawang sanggol, dalawang bata, at walong nakatatanda.

Ayon sa mga nasagip, umalis sila ng Purok Langaman sa Talisay patungong Rizal Shrine, Dapitan City nang aksidenteng masira ang motorbanca na naging sanhi ng paglubog.

Itinurn-over sila sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa Dapitan City para sa karagdagang tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKwalipikasyon ng CHED officials nais paimbestigahan kay PBBM
Next articleYesung ipinakita ang kulit at love for the fans sa ‘Unfading Sense’ in Manila!