Home METRO NGCP: Kuryente sa Eastern Visayas, naibalik na

NGCP: Kuryente sa Eastern Visayas, naibalik na

363
0

TACLOBAN CITY, Philippines – Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ganap nang naibalik ang kuryente sa Eastern Visayas matapos ang nangyaring magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu, noong Martes ng gabi.

Sa kanilang 10:00pm advisory nitong Miyerkules, sinabi ng NGCP na ang Leyte-Samar sub-grid ay naibalik ng alas-7:12 ng gabi, tiniyak na normal ang suplay ng kuryente sa rehiyon sa kabila ng pagtumba ng ilang transmission lines sa iba pang bahagi ng Visayas.

Isinara ang apat na planta ng kuryente sa nangyaring lindol, na nag-iwan ng 348.2 megawatts ng supply na hindi magagamit.

Ang Tabango-Kananga 230kV Line 1 ay naibalik ng alas-9:18 ng gabi. Gayunpaman, ang iba pang mga pangunahing linya ay nananatiling walang serbisyo, kabilang ang Daanbantayan-Tabango at Daanbantayan-Compostela 230kV Lines, gayundin ang Leyte-Luzon 350kV High Voltage Direct Current (HVDC) Line.

Nauna rito, inilagay ng NGCP ang Visayas grid sa yellow alert matapos bumaba ang mga reserba sa kinakailangang antas. Ito ay itinaas noong alas-9:00 ng gabi matapos ang magagamit na kapasidad ay umabot sa 2,239 megawatts laban sa peak demand na 1,950 megawatts.

Ang yellow allert ay itinataas kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang kinakailangan sa contingency ng transmission grid.

Tiniyak ng NGCP sa publiko na normal na ang operasyon ng transmission services sa Visayas grid, at nagpapatuloy ang restoration work sa mga natitirang apektadong pasilidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here