Home NATIONWIDE NGO Forum, nagbabala sa panganib ng inamyendahang Energy Policy ng ADB

NGO Forum, nagbabala sa panganib ng inamyendahang Energy Policy ng ADB

196
0

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang NGO Forum on ADB at mga kaalyado nito sa kamakailang amyenda sa 2021 Energy Policy ng Asian Development Bank (ADB), na inaprubahan ng ADB Board.

Bagaman tinawag ng ADB na “technology neutral” at tugon sa lumalaking pangangailangan sa enerhiya, nakikita ng Forum ito bilang pag-atras sa commitments sa climate action, pagbawas ng fossil fuels, at people-centered development.

Pinahintulutan ng mga amyenda ang methane reduction sa upstream oil at gas fields, suporta sa nuclear energy, at pagbabalik sa extractive sector sa pamamagitan ng critical minerals.

Pinuna ng Forum ang konsultasyon, na anila’y one-way lamang, kulang sa abiso at dokumentasyon, at hindi nagbigay ng makabuluhang partisipasyon. Maraming kritikal na puna mula sa civil society ang hindi isinama.

“Ang tinatawag na ‘Energy Policy amendments’ ng ADB ay isang iresponsableng pagtaliwas sa climate justice at karapatan ng mga komunidad… Malinaw ang layunin: lumikha ng bagong merkado para sa foreign tech companies, itulak ang malalaking high-risk investments, at ipasa ang lahat ng panganib sa mga nangungutang na bansa,” ayon kay Rayyan Hassan, Executive Director ng Forum.

Nagbabala rin ang Forum na ang methane reduction ay maaaring pahabain ang buhay ng fossil assets, ang suporta sa nuclear energy ay delikado sa mga bansang kulang sa regulasyon, at ang pagmimina ng critical minerals ay banta sa mga katutubong komunidad.

“Makakakita tayo ng malakihang produksyon ng mga electric vehicle kapalit ng pagsira sa huling ekolohikal na hangganan ng bansa,” ayon kay Maya Quirino ng Legal Rights and Natural Resources Center.

Nanawagan ang mga grupo sa ADB na huwag pahabain ang fossil fuel use sa ilalim ng methane reduction, ibalik ang komprehensibong pagbabawal sa nuclear financing, magpatupad ng mahigpit na safeguards sa critical minerals, at tiyakin ang transparent na partisipasyon ng civil society.

Ayon kay Hasan Mehedi ng CLEAN, “Ang bagong Energy Policy ng ADB ay malinaw na komersyal na agenda… Hindi nito isinasaalang-alang ang epekto sa power supply, presyo, stranded assets, at environmental at social impacts.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here