MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong employer na ilabas ang mandato na 13th-month pay sa tamang oras.
Ayon sa DOLE, alinsunod ito sa napapanahong benepisyo para sa mga manggagawang Pilipino. Nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang Labor Advisory No. 16, Series of 2025, noong Nobyembre 15, na naglalaan para sa tamang pagpapalabas ng mandatory benepisyo.
Sa kanyang kamakailang pahayag, binigyang-diin ni Laguesma na ang 13th-month pay ay isang non-negotiable right para sa mga manggagawa upang matiyak ang kanilang kapakanan at ng kanilang mga pamilya.
“Ang 13th-month pay ay isang statutory right ng mga manggagawa,” sabi ni Laguesma.
Ayon sa abiso, ang 13th-month pay ay saklaw ang lahat ng rank-and-file employees sa pribadong sektor, anuman ang posisyon, employment status, o paraan ng pagbabayad ng sahod, basta’t nagtatrabaho sila nang hindi bababa sa isang buwan sa calendar year. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)