Home ENTERTAINMENT Nikko, may rant, patama kay Vice?

Nikko, may rant, patama kay Vice?

Manila, Philippines – May post ang “Batang Quiapo” star na si Nikko Natividad na bagama’t hindi pinangalanan ang pinatutungkulan sa kanyang rant ay agad hinulaan ng mga netizens na tila, may patama ang post kay Vice Ganda.

Bagama’t deleted na ngayon ang mga post ni Nikko ay marami pa ring netizens ang nakakuha ng screenshot sa kanyang post.

Sa kanyang deleted post, ani Nikko, “Naawa lang ako sa lalaki na may nagawang mali pero hindi niya talaga intensyon. At syempre du’n sa babae.

“Sobra lang kasi napahiya ‘yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan.

“Alam ko kasi pakiramdam ng pinapahiya sa TV at napa-powertrip base sa experience ko.”

Kaya naman maraming netizens ang nasaktan sa paglabas ng hinaing ni Nikko sa social media.

Sa katunayan, trending topics ang “Nikko” at “Vice” sa X (dating Twitter).

Dahil dito,nananawagan ang mga fans ni Vice sa actor na si Coco Martin na ipatanggal umano si Nikko Natividad ng hit series na Batang Quiapo. Si Coco ang director, producer, at creative consultant ng hit series. Hindi kaya aware si Nikko na ang manager ni Coco ay si Sir Biboy Arboleda at ang road manager ni Vice ay si Kate Valenzuela na parehong empleyado ng yumaong si Deo Endrinal? Na hanggang ngayon ay hawak pa rin nila ang kanilang tungkulin forever ?

Sinisisi ng mga nakakaalam at ilang kapuwa showbiz si Nikko at di muna inalam ang mga taong nasa lkod ng career ni Vice? May ilang nagsasabi at nagtanong kung bakit nakisawsaw pa si Nikko sa isyu?

Nai-share pa ni Juliana Parizcova ang nakakagigil na himutok ni Nikko.

“Bakit sumawsaw si Nikko? Charot?!”

Markado at maganda ang role ni Nikko sa Batang Quiapo at siya’y kinaaliwan sa series. Magtagumpay kaya ang madlang pipol na ipatanggal siya ni Coco sa nasabing primetime hit serye? Ador Saluta