Home NATIONWIDE Nipah virus mahigpit na pinamomonitor ni PBBM

Nipah virus mahigpit na pinamomonitor ni PBBM

150
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinaigting ng Department of Health (DOH) ang surveillance laban sa Nipah virus at iba pang nakakahawang sakit upang pangalagaan ang kalusugan ng publiko.

“Patuloy na nakatutok at nagbabantay ang Bureau of Quarantine ng DOH sa Nipah virus na napabalitang na-detect muli sa ibang bansa,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Ito’y alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihing ligtas ang mga Pilipino mula sa mga infectious diseases,” aniya pa.

Sinabi pa ni Castro na inayon ng DOH ang health protocols nito sa pinakabagong updates mula sa World Health Organization (WHO).

Idinagdag niya na nananatiling fully alert ang DOH at proactive sa pagsasagawa ng screening procedures sa mga border ng bansa sa pamamagitan ng on-arrival thermal scanning, trained observation, at close scrutiny of online health declarations.

Pinaigting din ng health department ang information campaign tungkol sa Nipah virus, kabilang ang pagpapalaganap ng kaalaman sa mga sintomas gaya ng lagnat, sakit ng ulo, at hirap sa paghinga.

Ayon sa mga health officials, ang virus ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng direct contact sa infected animals gaya ng paniki at baboy, o sa kontaminadong prutas.

Sa kabilang dako, pinayuhan ni Castro ang publiko na i-monitor ang mga health updates ng DOH upang tiyakin ang kanilang kaligtasan.

—Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here