LEGAZPI City, Philippines – Hinimok ng National Nutrition Council sa Bicol (NNC-5) ang mga local chief executive sa rehiyon na unahin ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa pagsisimula ng kanilang mga termino sa panunungkulan.
Sinabi ni Director Emerenciana Francia, NNC-5 Officer-in-Charge, na ang mga local leaders ay may mahalagang papel sa pagpapalakas ng mga programang tumutugon sa malnutrisyon.
“As local chief executives, you will chair our local nutrition committees, whether as governors, mayors, or barangay leaders. A functional committee means having a timely plan that includes both nutrition-specific and nutrition-sensitive programs, as well as enabling programs developed by our local government units,” saad ni Francia sa paglunsad ng National Nutrition Month, na may temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority, Sapat na Pagkain, Karapatan Natin.”
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na pondo upang epektibong maipatupad ang mga programa ukol dito.
“Once the plan is funded, it must be implemented without realignment of the budget to ensure the nutrition programs are upheld. Proper monitoring is required to ensure government resources are effectively utilized,” dagdag pa niya.
Bilang parte ng month-long celebration, iba’t ibang mga programa at aktibidad ang isasagawa, gaya ng quiz contest para sa mgavillage nutrition scholars, on-the-spot poster-making contest para sa mga mag-aaral, at speech engagement kabilang ang mga government and non-government agencies. RNT/MND