Home METRO P14M nasabat na ismagel na sibuyas may e.coli at salmonella

P14M nasabat na ismagel na sibuyas may e.coli at salmonella

MANILA, Philippines – Positibo sa E.Coli at salmonella ang mahigit P14 milyong halaga ng nasabat na sibuyas, sinabi ng Department of Health (DOH).

Ito ang resulta ng ginawa nilang pagsusuri kung kaya’t hindi na ito maaaring mapakinabangan.

Binigyang-diin ng DOH na banta sa kalusugan ng mga Pilipino ang smuggled na pagkain dahil sa posibleng kontaminasyon ng mikrobyong maaaring magdulot ng pagtatae, dehydration, at posibleng pagkamatay.

Matatandaan na nasabat ng Bureau of Customs-Port of Manila ang nasabing sibuyas kasama ang humigit kumulang P20 milyun na halaga ng frozen mackerel.

Ininspeksyon ng DOH, BOC at Department of Agriculture ang mga puslit na kargamento na nakalagay sa anim na 40-foot container.

Wala pa naman inilalabas na resulta ang DOH kung maaari mapakinabangan o makain ang mga frozen mackarel na nagmula pa sa China. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)