Home HOME BANNER STORY ‘No-permit-no-exam’ policy bawal na

‘No-permit-no-exam’ policy bawal na

MANILA, Philippines- Tinintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 11984, na nagbibigay-mandato sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan na payagan ang disadvantaged students na may hindi nabayarang tuition at iba pang school fees na makakuha ng kanilang periodic at final examinations nang walang rekisitos na permit.

Sakop ng RA No. 11984 o “No Permit, No Exam Prohibition Act” ang lahat ng public at private basic (K to 12) institutions, higher education institutions, at technical-vocational institutions (TVIs) na nag-aalok ng mga kursong lampas isang taon.

Inatasan naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyang-kahulugan ang “disadvantaged students.”

Inoobliga din ang local officers na magpalabas ng sertipiko sa mga apektadong estudyante, patunay na nakaranas ang mga ito ng kalamidad, emergencies o iba pang “good and justifiable reasons” sa ilalim ng rules and regulations na itatakda ng DSWD.

Maaari namang payagan ng educational institutions ang mga estudyanteng kumuha ng pagsusulit at ilabas ang kanilang records at credentials gaya ng nakasaad sa kanilang polisiya at maging sa rules and regulations.

Gayunman, ang mga eskwelahan ay pinahihintulutang mag-atas ng pagsusumite ng promissory note, ibinbin ang records at credentials ng mga estudyante at magpatupad ng iba pang legal at administrative remedies para sa pangongolekta ng bayad.

Mahaharap ang educational institutions na lalabag sa batas sa administrative sanctions na ipapataw ng Department of Education, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority.

Iiral ang batas 15 araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may general circulation. Kris Jose

Previous articleItlog ni Heart, ‘nabugok’!
Next articleChocolate Hills resort binigyan ng building permit ng LGU; walang ECC mula sa EMB