Home ENTERTAINMENT Itlog ni Heart, ‘nabugok’!

Itlog ni Heart, ‘nabugok’!

Manila, Philippine – May pangalan nang naisip si Heart Evangelista sa dapat sana’y baby girl niya na isisipot sa mundo.

The baby’s name: Sophia Heart.

Sa kanilang guesting ng asawang si Senator Chiz Escudero, Heart was expecting a baby girl even before she and her husband renewed their vows.

Matatandaang nag-renew sila ng vows nitong February 15, isang araw matapos ang kaarawan ng fashion icon.

On Fast Talk with Boy Abunda, hindi nga napigilan ni Heart na maiyak sa labis na panghihinayang bagama’t may eggs pa naman daw siyang natitira.

Sa kasamaang palad, ‘nabugok’ ang kanyang itlog.

Umaasa naman ang mag-asawa na darating ang time na mabibiyayaan sila ng supling.

Chiz is entrusting all to the Lord: “I’m predisposed to accept God’s will.”

Samantala, nakabalik na mula US ang ama ni Heart, si Rey Ongpauco.

Matatandaang wala si Ginoong Ongpauco noong i-renew nina Heart at Chiz ang kanilang vows.

Nasa Amerika kasi ito’t nagpapagaling.

“But my dad is much better now. He may not have been at our renewal of vows, but we spoke on the phone.

“Para na rin siya nandoon!”

Namataan naman ang heartwarming moments nina Cecile (Heart’s mom) at Chiz na parang walang namagitang isyu sa kanila noon. Ronnie Carrasco III

Previous article‘Letterally challenged’ NBI sign tinakpan ng LRT-1
Next article‘No-permit-no-exam’ policy bawal na