Home NATIONWIDE ‘No swimming policy’ sa mga nakainom ipinaalala ng PCG

‘No swimming policy’ sa mga nakainom ipinaalala ng PCG

145
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kauna-unahang insidente ng pagkalunod na namonitor at natugunan nito sa gitna ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2026.

Kasunod ito ng insidente sangkot ang isang lalaki na nasa impluwensya umano ng alak na muntikan nang malunod sa baybayin ng Bacarra, Ilocos Norte nitong Martes ng hapon.

Ayon sa PCG, alas-2:50 ng hapon nang magsagawa ng Bay Watch operations ang tauhan mula sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Bacarra nang mapansin na kumakaway ang lalaki at nahihirapan sa dagat habang naliligo.

Mabilis na tumugon ang team ng PCG at nagsagawa ng rescue operation kung saan matagumpay itong nasagip.

Pinaalalahanan naman ng PCG ang mga cottage owners sa lugar at maging sa iba pang mga resort at beach na mahigpit na ipatupad ang ‘no swimming policy’ sa lahat ng nagtutungo sa dagat o beach na nasa impluwensya ng alak. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here