MANILA, Philippines – Naglabas ng babala ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 (RDRRMC-1) kaugnay sa posibleng debris na bumagsak mula sa Chinese rocket launch.
Ang paglulunsad ng Long March 7A rocket mula Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan, China, ay posibleng magresulta sa debris na bumagsak sa dagat na sakop ng Pilipinas.
Nakatakda ang launch sa pagitan ng alas-5 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi mula Agosto 21 hanggang Agosto 25.
Ang identified drop zones ay nasa layong 38 nautical miles mula Burgos, Ilocos Norte, at 66 nautical miles mula Santa Ana, Cagayan.
Inaabisuhan ang mga residente at mangingisda na iwasan munang maglayag, mangisda o maligo malapit sa mga nabanggit na lugar sa launch period.
Nagbabala rin ang RDRRMC-1 sa publiko na huwag lapitan ang makikitang debris dahil posibleng may laman itong toxic substances. RNT/JGC