Home METRO Northern Samar nakakuha ng P75M sa expansion ng 3 pantalan

Northern Samar nakakuha ng P75M sa expansion ng 3 pantalan

MANILA, Philippines – Naglaan ang Department of Transportation (DOTr) ng P75 million para sa pagpapalawak ng tatlong pantalan sa Northern Samar.

Popondohan ng 2023 appropriations ang expansion ng mga pantalan sa Allen, Mapanas, at San Jose sa Northern Samar, ayon sa anunsyo ng provincial government nitong Biyernes, Enero 5.

Ang bawat pantalan ay may alokasyon na P25 milyon.

“This is a big thing for our economic development since barges, commercial vessels carrying supplies for our infrastructure projects will pass through here. In these areas, we also concentrate on copra buying and copra supplying going to Quezon province,” saad sa pahayag ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan.

Naglabas ng pahayag ang provincial government kasunod ng pagpupulong kasama ang mga opisyal ng DOTR, Governor Ongchuan, Vice Governor Clarence Dato, at Mapanas town Mayor Ronn Michael Tejano.

Pumirma rin ng memorandum of agreement sina DOTr Undersecretary for Maritime Elmer Sarmiento at Ongchuan sa main office ng DOTR noong Enero 4.

Samantala, muling iginiit ni Tejano ang hiling nito sa DOTR para sa konstruksyon ng Pambujan Domestic Airport sa Pambujan, at rehabilitasyon ng lighthouse sa Batag Island, Laoang, Northern Samar.

Wala pang tugon ang ahensya sa hiling ng opisyal. RNT/JGC

Previous articleUS aircraft carrier Carl Vinson dumating sa bansa
Next article2 security x-ray machine, inilatag sa harap ng Quiapo Church