MANILA, Philippines — Naghain si Sen. Rodante Marcoleta ng not guilty plea sa Sandiganbayan Third Division nitong Miyerkules kaugnay ng mga kasong plunder at pagtanggap umano ng regalo.
Nag-ugat ang kasong plunder sa umano’y hindi pagdedeklara ni Marcoleta ng P75 milyong halaga ng campaign donations.
Itinanggi rin ng senador ang paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng regalo.
Nagpasok din ng not guilty plea ang negosyanteng si Joseph Espiritu, ang umano’y campaign donor at kapwa akusado ni Marcoleta. Santi Celario